Go, may buwelta naman kay Gordon
- Published on September 3, 2021
- by @peoplesbalita
Nagmistulang domino effect na ang pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador.
Dahil matapos ang mga panibagong banat ng presidente, bumuwelta naman agad si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon.
Bagama’t hindi raw siya natitinag sa personal na mga atake, hindi raw naman niya mapigilang hindi sumagot para sa institusyon na nagsasagawa lang ng imbestigasyon, laban sa korapsyon.
Maging si Sen. Bong Go na malapit sa pangulo ay naging target na rin ni Gordon.
“The question na dapat natin maintindihan dito ay ano ba talaga role ni Bong Go. Is he working with the Senate or is he still working with the President? We’re not a parliamentary system of government,” wika ni Gordon.
Habang sa panig ni Sen. Go, nagtataka ito kung bakit pinupuna ng ilang kapwa senador ang pagiging malapit niya sa presidente.
Dati raw kasi, mismong ang mga bumabatikos ang nakikisuyo upang idulog niya kay Pangulong Duterte ang ilang isyu.
Dagdag pa ng senador, hindi siya kailanman nasangkot sa katiwalian at lalong hindi naging hadlang sa kaniyang trabaho ang pagganap ng ilang aktibidad na kasama ang punong ehekutibo.
Kaya banat niya sa mga kritiko: “Ano ang karapatan mong kuwestiyunin ang pagiging malapit ko sa pangulo. Nangako ako sa Pangulo na hindi ko siya iiwanan habambuhay at amin na lang yun dahil mahal ko ang Pangulo.” (Daris Jose)
-
Pinagbawalan din na ‘mmag-cellphone sa set: TESSIE, may sinitang young star na ‘di nagseseryoso
HININGAN namin ng reaksyon si Tessie Tomas na isa sa bida ng ’Senior Moments’ tungkol sa mga kabataang artista ngayon kumpara sa panahon nila noon. “Napakabigat ng mga tanong na yan ha,” tumatawang sagot ng aktres sa amin, “siyempre ang nakikita ko ay napaka-gadget conscious nila, their attention is very limited. “Therefore they […]
-
PCCI-NCR inilunsad ang 2024 Metro Manila Business Conference
OPISYAL na inilunsad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – National Capital Region (PCCI-NCR) ang 2024 Metro Manila Business Conference (MMBC) na naglalayong ‘pagsamahin ang kalakalan, teknolohiya at turismo para sa sustainable transformation.’ Isinagawa ang paglulunsad sa ginanap na joint general membership meeting ng PCCI-NCR North Sector noong Miyerkules sa […]
-
Inuman nauwi sa madugo, 1 dedo
NAUWI sa madugo ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang trabahador nang humantong sa patayan ang pag-aaway ng dalawa niyang bisitang kapuwa kasamahan sa trabaho sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak sa leeg, ulo at mukha ang biktimang si Arnel Dante, 44, habang nadakip naman ng mga barangay […]