• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Go with the flow na lang sila ni Mikael: MEGAN, ‘di nilalagyan ng date kung kailan mabubuntis

MAHIGIT tatlong taon ng mag-asawa sina Megan Young at Mikael Daez, January 25, 2020 sila ikinasal, kaya naman hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng publiko kung kailan sila magkakaroon ng anak.

 

“Eto na… hintayin niyo pa lalo,” ang bulalas ni Megan.

 

“Hindi mo nilalagyan ng date ang mga ganyan, nangyayari lang talaga.

 

“Kung meron, meron. Let’s see what life brings.”

 

Iaanunsiyo naman nila siguro kapag nagdadalang-tao na si Megan.

 

“Malay mo? Hindi niyo alam biglang malaki na pala yung tiyan ko,” at tumawa si Megan.

 

“Go with the flow naman kami.”

 

Samantala, gaganap si Megan sa ‘Royal Blood’ bilang Diana at si Mikael bilang si Kristoff.

 

Mapapanood ang teleserye simula June 19 weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.

 

 

Sa direksyon ni Dominic Zapata, nasa ‘Royal Blood’ sina Rabiya Mateo (bilang Tasha), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at may mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.

 

 

Kasama rin sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), Arthur Solinap (bilang Emil), ang Sparkle Teens na sina James Graham (bilang Louie), Aidan Veneracion (bilang Archie), Princess Aliyah (bilang Anne) at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).

 

 

***

 

 

TUNGKOL sa multo at “multo ng nakaraan” ang pelikulang ‘The Revelation’ kaya tinanong namin ang lead actress ng pelikula na si Ana Jalandoni kung nakakita na ba siya ng multo sa tunay na buhay.

 

 

“Opo! Sa bahay ko mismo, sa Cavite. Meron, guy,” bulalas ni Ana.

 

 

 

Maraming beses raw nagpakita kay Ana ang lalaking multo.

 

 

 

“Umalis lang siya noong… nawala lang siya nung nagpa-bless ako [ng bahay] ng tatlong beses.”

 

 

 

Hindi na raw inalam ni Ana kung sino o ano ang background ng naturang multo.

 

 

 

“Meron pang bata, nakikita kapag madaling-araw. Second floor na may bata naglalaro sa hagdanan. Nawala na din.”

 

 

 

Doon pa rin nakatira si Ana pero wala nang nagpapakita.

 

 

Pagpapatuloy pa ng seksing aktres…

 

 

“Dati kasi bungalow siya, pinagiba ko, nilagyan ng second floor, so hindi ko masasabi kung ano’ng nangyari doon.”

 

 

 

May twist sa kuwento ng ‘The Revelation’, kung totong multo nga ba ang makikita o bunga lamang ang lahat ng mental anxiety at depression ng mga karakter sa pelikula.

 

 

 

Gaganap bilang si Gwen si Ana sa ‘The Revelation’ kung saan kasama niya sina Aljur Abrenica (bilang Lance), Vin Abrenica (bilang Vincent) at Jelai Andres (bilang Alex).

 

 

 

Sa panulat ni Joyzel Dulay at sa direksyon ni Ray An Dulay.

 

 

 

Mula ito sa House of Prime Films at Hand Held Entertainment Productions ni Kate Javier at ipapalabas sa mga sinehan ngayong Hunyo 21.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • VIN DIESEL VS. JASON MOMOA: “FAST X” To Furiously Rev Up PH Cinemas

    THE ‘Fast and Furious’ franchise has been a global sensation for more than two decades, with each new film generating anticipation among fans. The franchise has evolved from street racing to heists and espionage, all while maintaining the central themes of fast cars, thrilling action and family.     With “Fast X,” fans can expect […]

  • Kaso ng stroke, heart attack, asthma sumipa — DOH

    MAHIGPIT na tinututukan ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga acute complications ng non-communicable diseases (NCDs) gaya ng stroke, acute coronary syndrome (ACS) at bronchial asthma, matapos na makapagtala ng pagtaas ng mga kaso nito bunsod na rin ng sunud-sunod na handaan at selebras­yon ngayong holiday season. Sa datos ng DOH, nagkaroon ng 103 […]

  • MILYON NA PASAHERO, NAKASAKAY NA NG MRT 3

    NAKAPAGSAKAY na ng 1,934,424 milyong pasahero ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)  sa unang linggo ng isang buwang libreng sakay na nagsimula noong Marso 28,2022, ayon sa pamunuan ng tren.     Sinabi ni Michael Capati, officer-in-charge ng  MRT-3 at director for operations, na ang pinakamataas na ridership ay naitala noong Abril 1 kung […]