• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, ginagawa ang lahat para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa toll roads sa Pinas

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na ipinatutupad na ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) ang lahat ng mga hakbang para mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at tiyakin ang maayos na byahe sa toll roads sa bansa sa panahon ng holiday season.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang inagurasyon ng NLEX Candaba 3rd Viaduct sa Pulilan, Bulacan.

 

Sinabi ng Pangulo na ang pagbubukas ng viaduct ay makapagpapalakas sa development ng Gitnang Luzon sa pamamagitan ng dinagdagang ‘economic at tourism activities.’

 

“The timing of this milestone could not be more opportune. As we enter the holiday season, a period marked by heightened activity and an influx of holiday travelers, this bridge becomes even more crucial,” ang sinabi ng Pangulo.

 

“With all this in mind, I call on all concerned stakeholders — especially the Toll Regulatory Board and the NLEX Corporation—to remain vigilant. Let us prioritize swift response mechanisms and deploy well-coordinated traffic management strategies to address the ever-changing conditions and the increasing demands on our toll roads,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang Candaba Viaduct ay isang 5-km bridge na itinayo noong 1970s. Nagkokonekta ito sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.

 

“As a crucial link of the NLEX network, the Candaba Viaduct was augmented through the construction of the central infill–the new five-kilometer Candaba 3rd Viaduct–as the existing structures are aging and operating at a reduced capacity,” ayon sa ulat.

 

Ang P7.8 billion viaduct ay itinayo sa pagitan ng dalawang umiiral na tulay na nagkokonekta sa mga bayan ng Pulilan, Bulacan at Apalit, Pampanga.

 

 

Inaasahan na mapapagaan nito ang masikip na daloy ng trapiko dahil sa umiiral na viaducts lalo na sa peak travel periods, mapasisigla ang kaligtasan ng mga motorista, at mapalalakas ang daloy ng mga kalakal at serbisyo sa pagitan ng Gitnang Luzon at Kalakhang Maynila. (Daris Jose)

Other News
  • Pagtiyak ni PBBM kay Xi: Pinas, walang ‘Cold War mindset’

    BINASURA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang inilarawan nitong  “Cold War mindset” sa pagtugon sa tensyon sa pinagtatalunang South China Sea.     Isang sentimyento na ibinahagi ng Pangulo kay  Chinese President Xi Jinping na nagsabi na ang  Asia-Pacific region ay hindi dapat  maging  “an arena for a big power contest.”     Tiniyak ni […]

  • Top 10 worst traffic situation ng ‘Pinas kayang burahin sa loob ng isang taon

    TIWALA ang Malakanyang na sa loob ng isang taon ay mawawala na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamalalang sitwasyon ng traffic sa buong mundo. Batay kasi sa Numbeo 2020 traffic index report na nag-sagawa ng pag- aaral sa may 81 bansa, pinakaworst o pinakamalala ang kondisyon ng trapik sa Pilipinas sa South […]

  • May tsikang nagkalabuan na rin sila ni Paulo: KIM, balitang inisnab si JANINE at si JANELLA ang bineso-beso

    AS of press time ay palabas na ng hospital si Senator Bong Revilla  after sumailalim sa isang operasyon ng Achilles tendon sa kanang paa niya.   Siyempre, nalungkot si Sen. Bong at kahit pinayagan na siyang maka labas ay need pa ring ipahinga ang katawan ng tatlong buwan. huh!   Kaya apektado ang nasimulan niyang […]