Gobyerno handa na sa pagbabakuna
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak kahapon ng Malacañang na nakahanda na ang gobyerno sa gagawing pagbabakuna laban sa COVID-19 sa susunod na linggo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility ay darating sa kalagitnaan ng Pebrero.
Ilang tulog na lang aniya ay magsisimula na ang vaccination drive na napaghandaan naman ng gobyerno.
“Ilang tulog na lang, mga kaibigan, at dadating na ang unang batch ng ating bakuna. Ready or not, handang-handa po ang ating gobyerno para magsimula ang ating vaccination drive itong ika-15 ng Pebrero,” ani Roque.
Nilinaw din ni Roque na maisasagawa kaagad ang pagbabakuna isa o dalawang araw pagkatapos dumating ng suplay sa bansa.
“It’s just a matter of when the plane carrying the Pfizer vaccines will actually land in NAIA (Ninoy Aquino International Airport),” ani Roque.
Ang mga health workers ang nangunguna sa listahan ng mga bibigyan ng bakuna.
Aabot sa 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang makukuha ng Pilipinas sa COVAX facility sa unang quarter ng taon kabilang na ang 117,000 doses ng Pfizer vaccine.
-
COVID-19 positivity rate sa NCR lalo pang tumaas
LALO pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala ito sa 10.9% nitong Hulyo 9 mula sa 8.3% nitong Hulyo 2 lamang, ayon sa OCTA Research Group. Ang positivity rate ay porsyento ng tao na nagpositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng sumalang sa COVID-19 test. […]
-
Jesciel Salceda: PRRD agenda, panalo sa naudlot na PCL eleksiyon
DEKLARADONG “failed election” ang halalan ng Philippine Councilors League (PCL) sa SMX Convention Center, Pasay City noong ika-27 ng Pebrero at muli itong itinakdang ganapin sa loob ng dalawang buwan, ngunit ayon kay Polangui, Albay Councilor at PCLBicol Regional Chairman Jesciel Richard Salceda, ang pagkaudlot nito ay masigabong panalo para sa ‘reform agenda’ ni Pangulong […]
-
Empress, officially engaged na sa ama ng anak na si Vino Guingona
SIGURO nga, kapag artista ka at lalo na yung passionate talaga sa pag-arte, parang kakambal na nila ang trabaho. Kaya aminado ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza na sobrang na-miss daw niyang umarte. Pagkatapos ngang ma-lockdown ng mahigit anim na buwan, kaka- resume lang nila ng taping para sa primetime series […]