• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, hindi gagamitin ang pension funds bilang seed funds para sa Maharlika

WALANG BALAK at hindi kailanman naisip ng gobyerno na gamitin ang state pension funds  bilang  “seed fund” para sa  panukalang  Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pension funds ay maaaring i-invest sa panukalang sovereign wealth fund kung sa tingin ng mga ito ay ito’y “good investment.”

 

 

“Of course, ah no, I agree. We have no intention of using… kukuha tayo ng pera ng pension fund,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“We will not use it as a seed fund. However, if a pension fund, which is what pension funds do, is they invest. If the pension fund decides that Maharlika fund is a good investment, it’s up to them if they want to invest in it,”dagdag na wika nito.

 

 

Kasunod ng  marathon deliberations, inaprubahan naman ng Senado ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng sovereign wealth fund.

 

 

Nakasaad sa batas na ang MIF  ay nilikha  sa pamamagitan ng pondo na huhugutin mula sa Land Bank of the Philippines (LBP): P50 bilyong piso;  Development Bank of the Philippines (DBP): P25 bilyong piso at  National Government: P50 bilyong piso.

 

 

Samantala, ang kontribusyon mula sa national government ay manggagaling naman mula sa  “total declared dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National government’s share mula sa  kinita ng  PAGCOR, Properties, real and personal na i-dentify ng DOF-Privatization and Management Office at iba pang sources gaya ng  royalties and/or special assessments.”

 

 

Kabilang naman sa  major amendments na ipinakilala sa batas ay ang ganap na pagbabawal sa paggamit ng pondo ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance (PhilHealth) corporation, Pag-IBIG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippines Veterans Affairs Office (PVAO) sa  capitalization at investments sa  Maharlika fund. (Daris Jose)

Other News
  • 3 KOREAN NATIONAL NA SINDIKATO NG ONLINE, NAARESTO NG BI

    NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na puganteng most wanted at binansagang mga leader ng sindikato na nag-ooperate sa online at nambiktima ng marami nilang kababayan.     Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na sina Jung Myunghun, 38, umano’y Top Leader ng sindikato; Yu Daewoong, 38, at […]

  • Mayo 3 deklaradong holiday dahil sa pagtatapos Eid’l Fitr

    IDINEKLARA ng Malacañang bilang national holiday ang Mayo 3, 2022 bilang obserbasyon ng pagtatapos ng Eid’l Fitr.     Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos na magkaroon ng bahagyang kalituhan.     Unang inanunsiyo kasi ng Grand Mufti of the Bangsamoro Darul Ifta na magsisimula sa Mayo 2 ang Eid’l Fitr.     […]

  • Ginanap sa Coron kasama ang pamilya at piling kaibigan: LUIS, natupad ang plano na tahimik at solemn ang church wedding nila ni JESSY

    SA first anniversary ng “Dear SV” sinorpresa ni Kapuso aktres Rhian Ramos si Cong. Sam Verzosa.  Last February 6 ay isang memorable date yun kay Sam at siyempre ng programa niyang  “Dear SV” kung saan ipinagdiwang ng programa ang first year anniversary. Nakuha agad ng programa ang puso ng mga manonood, na unang ipinalabas sa […]