• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, inihanda na ang food supply bilang paghahanda para sa pananalasa ng bagyong Julian

INIHANDA na ng gobyerno ang pagkain at iba pang mahalagang suplay para sa mga indibiduwal na maapektuhan ng bagyong “Julian”.

 

 

Sa isang situational report, araw ng Linggo, Setyembre 29, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may kabuuang 1.9 milyon na family food packs na nagkakahalaga ng P1.48 billion, iba pang food items na nagkakahalaga ng P276 million, at non-food items (NFIs) na nagkakahalaga ng P919 million ang inihanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Available rin ang P171 million na standby fund na gagamitin ng DSWD, kabilang na ang P123 million na maaaring ilaan bilang Quick Response Fund (QRF) sa central office ng DSWD.

 

Sa Batanes, ipinag-utos ng provincial disaster risk reduction and management office (PDRRMO) sa mga residente na italing mabuti ang kanilang mga bubong at maglagay ng panara o tapangko sa kanilang mga bintana dahil inaasahan na nasabing lalawigan magla-landfall ang bagyong Julian.

 

“Patuloy po ang pagbibigay natin ng information sa mga kababayan na magtali ng bubong, maglagay ng tapangko o window shutters at maghanda-handa dahil inaasahan talagang baka maglalandfall sa amin ,” ang sinabi ni Batanes PDRRMO head Roldan Esdicul sa isang panayam.

 

 

Sinabi ni Esdicul na may sapat na food supply at gasolina ang lalawigan para sa ‘would-be evacuees.’

 

Sa ngayon, hindi pa pinag-utos ng provincial government ng Batanes ang preemptive evacuation dahil ‘light to moderate’ pa lamang ang nararanasang pag-ulan.

 

“Nakahanda na ang evacuation centers pero wala pa rin preemptive evacuation kasi medyo tolerable pa naman. ‘Yun nga lang medyo may ilang turista na nastranded,” ang sinabi ni Esdicul.
Sa Cagayan, pinaalalahanan naman ang mga residente na mag-ingat laban sa mga pangunahing panganib gaya ng ‘rain-induced landslides.’

 

Nag-deploy naman ang Cagayan PDRRMO ng mga tauhan nito sa quick response stations upang mabilis na makatugon sa mga emergency, ayon kay Cagayan PDRRMO head Ruelie Rapsing.

 

Hindi naman nagpatupad ang provincial government ng Cagayan ng preemptive evacuation sa kabila ng nakararanas na ng ‘moderate to heavy rainfall’ ang mga nasa northeastern part ng Cagayan, sakop nito ang mga bayan ng Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Gattaran, at Santa Teresita.

 

“So far, walang nai-report na inilikas itong mga northeastern portion po natin. Hindi naman kasi flood-prone municipalities ito, hindi low-lying areas. Ito’y nasa shoreline. Ang mga hazards nito ay more or less rain-induced landslides,” ang sinabi ni Rapsing. (Daris Jose)

Other News
  • DICT bukas sa extension ng SIM registration

    BUKAS ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na ma-extend ang araw ng deadline para sa SIM registration.     Sa April 26, Miyerkules na ang deadline ng SIM registration na itinakda ng National Telecommunication Commission (NTC)     Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, sasalang siya sa isang pulong sa pagitan ng […]

  • Binalik-balikan ang eksenang sinampal at buhusan ng juice: LEXI, naalala

    BIGLANG naalala ng ‘Running Man PH’ contestant na si Lexi Gonzales ang namayapang aktres na si Cherie Gil.       Kabilang kasi si Cherie sa umupong council noong ika-7th season ng ‘StarStruck’ kunsaan tinanghal si Lexi bilang First Princess.       Nasa Korea si Lexi noong makarating sa kanya ang balitang pumanaw ang […]

  • Naitatalang bagong COVID-19 cases sa Metro Manila, patuloy na bumababa – DOH

    PATULOY na bumababa ang naitatalang bagong kaso ng Covid-19 sa Metro Manila ayon sa Department of Health (DOH).     Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nananatili sa ilalim ng moderate risk case classification ang rehiyon.     Naobserbahan din na ang bilang ng bagong covid-19 cases sa buong bansa ay nasa downward trend, […]