• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, naglaan ng P3B para sa rehabilitasyon, modernisasyon ng 8 airports sa bansa

TINATAYANG 8 paliparan sa buong bansa ang makatatanggap ng pondo sa ilalim ng  2023 national budget para isailalim sa rehabilitasyon at pagsasaayos.

 

 

Sa kalatas na ipinalabas ng Department of Budget and Management (DBM), sinabi nito na ang  paglalaan ng pondo ay nakaayon sa implementasyon ng  8 airport projects na nakapaloob sa ilalim ng  2023 General Appropriations Act (GAA).

 

 

Ang Tacloban City Airport ang makatatanggap ng pinakamataas na budget na nagkakahalaga ng P1.42 bilyong piso para sa modernisasyon nito.

 

 

Kasunod ng  Tacloban Airport ay ang  Laoag International Airport na may P785 milyong piso at Antique Airport na P500 milyong piso.

 

 

Naglaan din ang gobyerno ng P200 milyong piso para sa  New Zamboanga International Airport; P80 milyong piso para sa  Bukidnon Airport; P50 milyong piso para sa Vigan Airport; P43 milyong piso para sa  Ninoy Aquino International Airport at P15 milyong piso para sa  M’lang Airport.

 

 

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang pagpopondo sa mga proyekto para sa “construction at repairs” ng 8 paliparan sa bansa ay bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i- improve ang “mobility at connectivity” ng bansa.

 

 

“This budgetary allocation seeks to support the construction, rehabilitation, and improvement of the country’s transportation infrastructure, particularly in the aviation sector. This is in line with the mandate of President Bongbong Marcos to put prime importance in enhancing our country’s transportation system,” ayon sa Kalihim.

 

 

Tiniyak ni Pangandaman na ipagpapatuloy ng gobyerno na itulak ang  infrastructure development para makamit ang nilalayon ng pamahalaan na economic transformation.

 

 

“When we say transport infrastructure development, this does not only mean building or improving railways or road transport. It also means the improvement and rehabilitation of airports,” ang wika ni Pangandaman

 

 

“That is why, for 2023, we made sure that various airports in different regions across the country would be getting their needed funds, as their development will propel growth in different sectors, such as trade, employment, and tourism,” dagdag na pahayag ni Pangandaman. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, siniguro na hindi mangyayari sa Pilipinas ang panunuhol ng Sinovac sa ibang bansa

    TINIYAK ng Malakanyang na  hindi masusuhulan ang mga eksperto sa pamahalaan ng Pilipinas para sa mabilis na pagbibigay ng Emergency Utilization Authority (EUA) sa mga manufacturer ng COVID vaccine.   Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang  mapaulat ang sinasabing pagkakasangkot ng kumpanyang Sinovac sa ibang bansa, para mapabilis ang pagpoproseso ng kanilang […]

  • CANADA, umaasa ng suporta ng Pinas sa free trade negotiations nito sa ASEAN

    NANAWAGAN ang Canada sa Pilipinas na suportahan ang free trade negotiations nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), tinukoy  ang kahalagahan ng  ASEAN Centrality.     “Regarding trade, we are negotiating for a free trade agreement with ASEAN. So we hope that we could have the support of the Philippines. And we are negotiating […]

  • Paggamit ng motorcycle shields simula na sa Hulyo 20

    Simula sa Lunes, Hulyo 20 ay istrikto nang ipa­tutupad ng pamahalaan ang paggamit ng motorcycle shields upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.   Matatandaang noong Hulyo 10 ay pinayagan na ang pag-aangkas ng mga mag-asawa sa motorsiklo ngunit dapat na may physical barriers pa rin sila upang malimitahan ang virus transmission.   Ayon kay Department […]