• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, nakatuon ang pansin sa COVID-19 vaccination drive sa high-risk areas gaya ng NCR

NAKATUON ang pansin ng pamahalaan sa COVID-19 vaccination drive sa high-risk areas gaya ng National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.

 

Sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na inirekomenda ng mga eksperto ang nasabing estratehiya para pigilan ang pagkalat ng coronavirus at matamo ang herd immunity sa NCR, Regions 3 at 4A, Cebu, at Davao at maging sa Regions 6 at 9.

 

“We will be able to cover the affected areas once we reach 5 million vaccinations in Metro Manila,” ayon kay Galvez.

 

Ang Frontline personnel sa essential sectors, uniformed personnel at indigent population ay nakatakdang bakunahan simula sa buwan ng Mayo.

 

Mahigit 800,000 Filipino naman ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccine simula nang sumipa ang mass immunization program noong Marso 1.

 

Layunin ng pamahalaan na magsagawa ng one million vaccinations kada linggo sa buwan ng Mayo at dalawa hanggang tatlong milyon naman kada linggo para sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

 

Habang ang bansa aniya ay nananatiling mayroong low vaccine supply, sinabi ni Galvez na marami naman ang inaasahan na delivery sa second half ng taon.

 

Layon ng bansa na makatanggap ng 20 million doses kada buwan mula Agosto hanggang Disyembre. (Daris Jose)

Other News
  • Mga laro sa PBA kanselado matapos ilagay sa Alert Level 3 ang NCR

    Kinansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga laro ngayong linggo mataposilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.     Muli kasi sanang itutuloy ang mga laro ng 2021 PBA Governor’s Cup sa Miyerkules.     Nagsumite na ang PBA ng sulat sa Games and Amusement Board […]

  • 5.2 milyong pamilya, dumanas ng matinding gutom dahil sa COVID-19 – SWS

    Dumanas ng matinding kagutuman ang may 5.2 milyong pamilyang Pilipino sa nagdaang tatlong buwan dahil sa COVID-19 pandemic.   Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey, sa 1,555 adult Filipinos na tinanong, 20.9 percent ang nagsabing sila ay nagutom dahil wala silang makain.   Ang bilang ang pinakamataas simula noong September 2014 nang 22 percent […]

  • 2 HOLDAPER, TIMBOG SA MPD

    BINITBIT ng Manila Police ang dalawang hinihinalang holdaper nang maaresto matapos na nambiktima sa isang service crew ng Mang Inasal sa Paco, Maynila kamakalawa ng hapon.     Kasong Robbery (Hold-up) sa ilalim ng Art. 293 of the RPC, R.A. 10591 (Comprehensive Firearms Law and Ammunitions Law) at llegal Possession of Deadly Weapon ang isinampa […]