Gobyerno, palaging handang tulungan ang mga mamamayan at health front-liners sa Region 12 (Soccsksargen) at BARMM
- Published on September 28, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga mamamayan at health front-liners sa Region 12 (Soccsksargen) at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na palaging handa ang pamahalaan na tugunan ang kanilang pangangailanan sa gitna ng pandemiya.
Sa ginawang monitoring visit si Go sa nasabing lugar, araw ng Biyerne ay siniguro nito sa mga manggagawa ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC), na nakikipaglaban din sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), na pinagsisikapan niyang mabuti na maipasa ang batas na naglalayong tiyakin ang allowances at benepisyo ng mga health care workers.
Sinabi pa ni Go, chairperson ng Senate committee on health and demography na ang panukalang batas ay naglalayon ding palawigin ang saklaw ng benepisyo kabilang na ang lahat ng health workers sa mga ospital at iba pang Covid-19 treatment facilities lalo na sa panahon na ang estado ay nasa public health emergency.
“All health care workers on duty are considered exposed to Covid-19. We cannot see this virus and it is hard to separate those who are directly exposed from those who are not,” ang pahayag ni Go sa mga opisyal ng CRMC na nakiisa sa okasyon sabay sabing “All health workers in both private and government facilities are included in the proposed Senate bill on special risk allowance that I had filed.”
Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Go ang dalawang groundbreaking ceremonies para sa vital health facilities – ang bagong gusali na laan para sa 16th Malasakit Center na kanyang pinasinayaan noong Nobyembre 19, 2018, at isang 100-bed capacity Covid-19 isolation at treatment facility sa BARMM – kapuwa na matatagpuan sa CRMC compound.
Ang CRMC ay Covid-19 referral hospital sa Soccsksargen at BARMM sa Central Mindanao.
“We all know that once you are inside the hospital, you cannot say you are not exposed to the virus,” dagdag na pahayag ni Go.
Kasama naman ni Go sa twin groundbreaking ceremonies sina CRMC Chief of Hospital Dr. Ishmael Dimaren, Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi, at Minister Eduard Guerra ng BARMM Ministry of Public Works.
“President Rodrigo Duterte’s marching order is to ensure health services to Filipinos must be prioritized,” ang pahayag ni Go.
Ani Go, ang bagong Malasakit building, sa oras na makumpleto ay makapagpapahusay sa serbisyong ibinibigay nito sa mga mahihirap.
“The Malasakit Center is for the poor and the indigents, for the hapless and helpless that have nowhere to go for their medical needs,” aniya pa rin.
Isa aniya itong one-stop shop para sa mga mahihirap kabilang na ang senior citizens at persons with disabilities, kung saan ay maaari silang makapag-avail ng libreng access sa medical services ng pamahalaan.
Sa ilalim ng programa, ang mga mahihirap na pasyente ay tinutulungan na makapag-avail ng serbisyo at pinansiyal na tulong na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corp., at Philippine Charity Sweepstakes Office.
“These agencies will help the poor avail of zero bills for their patients in hospitals,” ayon kay Go.
Mayroon na aniyang 141 Malasakit centers ang gumagana sa buong bansa ngayon.
At upang ipakita ni Go ang kanyng pagpapahalaga at pagkalugod sa pagsisikap ng mga front-liners, namahagi ang staff members ni GO ng food packs, face shields, face masks, vitamins, at Jollibee meals sa 1,848 front-liners at 270 pasyente ng CRMC.
Nagpa-raffle din siya ng bisikleta, computer tablets at bagong sapatos para sa mga empleyado ng CRMC.
Matapos naman ang naging pagbisita ni Go sa nasabing lungosd, sinamahan naman ni Go si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inagurasyon ng pagbubukas ng Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan town. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Gilas optimistiko sa Olympic qualifiers
Sa kabila ng kaliwa’t kanang injuries sa lineup, nananatiling mataas ang moral ng Gilas Pilipinas na haharap sa mga bigating tropa sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na pormal nang lalarga ngayong araw sa Belgrade, Serbia. Posibleng hindi makalaro si Dwight Ramos na may iniindang groin injury habang napasama pa sa injury list ng […]
-
Tuloy ang imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN
ITUTULOY pa rin ng Senado ang planong pag-imbestiga sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation sa kabila ng paghahain ng gag order motion ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema. “A motion for a gag order is what it is. Just a motion. The Supreme Court will still have to decide on it under […]
-
Pagbabalik ng Governor’s Cup inaayos na ng PBA
PINAPLANO na ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) kung paano nito itutuloy ang naudlot na PBA Season 46 Governors’ Cup. Tengga muna ang liga dahil patuloy na lumolobo ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19). Kaya naman habang naghihintay, nag-iisip na ng iba’t ibang paraan ang PBA para sa […]