Gobyerno, target na malampasan ang 100% rice self-sufficiency- PBBM
- Published on June 20, 2023
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na malampasan ang 100-percent rice self-sufficiency gamit ang agricultural initiatives nito.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang weekly vlog na ipinalabas, araw ng Sabado.
Sinabi ng Pangulo na itinutulak ng kanyang administrasyon ang iba’t ibang proyekto at programa na makatutulong sa mga Filipino na malampasan ang kahirapan at pagkagutom gaya ng farm mechanization para makatulong na mahigitan ang rice self-sufficiency target.
“Sapat at murang pagkain pa rin ang siyang tanging magpapalaya sa atin sa gutom. Kung kaya’t walang tigil ang paglulunsad ng mga ganitong programa sa ating mga agricultural regions,” ani Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook account.
“Kapag matagumpay ito, buong bansa ang makikinabang at maaaring mahihigitan pa natin ang 100-percent rice self-sufficiency,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Marcos ang Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) na naglalayong makamit ang pinakamataas na posibleng rice sufficiency level sa pamamagitan ng paggamit ng ilang estratehiya.
Sinabi ng Pangulo na maliban sa pag-improve sa agricultural production ng bansa, dapat ding tiyakin ang kapakanan ng mga magsasakang Filipino
Sa ilalim ng MRIDP, “strategies would be carried out to support rice farmers, increase rice production, and strengthen the rice value chain.”
Sinabi ng Chief Executive na pinaigting ng pamahalaan ang pagsisikap nito para makamit ang 97.4% rice self-sufficiency target sa bansa.
Binigyang diin ang kanyang pangako na magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Filipino, sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagbibigay hindi lamang ng financial aid kundi maging livelihood assistance.
Tinukoy ng Pangulo ang farming mechanization distribution ng DA, livelihood at government internahip programs ng Department of Labor and Employment (DoLE), “Pangkabuhayan” sa Pagbangon at Ginhawa” Program ng Department of Trade and Industry (DTI) at scholarship para sa trading for work program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
“Ang paglaya mula sa kahirapan ay isang patuloy na digmaan na hinaharap ng ating pamahalaan. Kaya ang distribusyon ng tulong na pansamantalang umaalalay sa ating mga kababayan ay hindi mawawala. Ito ang mga maagarang lunas na nakakapagdala ng ginhawa sa libu-libong pamilyang Pilipino,” ayon sa Pangulo.
“Ito ay hindi lang mga ayuda na salapi kundi ayuda ng pagkakataon para sa mamamayang Pilipino nang mabigyan sila ng pagkakataon na makapaghanapbuhay at hindi lang umaasa na tumatanggap ng biyaya,” dagdag na pahayag nito.
Winika pa ng Pangulo na committed ang pamahalaan na muling pasiglahin ang ekonomiya ng bansa para makalikha pa ng mas maraming job opportunities.
Sinabi nito na ang “healthy” relations sa mga foreign allies at paghikayat ng mas investments ay mahalaga sa pagkamit ng economic transformation bid ng kanyang administrasyon.
“Pagkakaisa at pagkakaibigan sa mga bansang minsa’y naging bahagi ng ating kasaysayan [ang sagot] upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga masisipag, magigiting at talentadong mga Pinoy ,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
ALJUR, umaming nasadsad at nabugbog kaya nakapag-post laban kay KYLIE pero ‘di proud sa nagawa
SA ginanap na face to face mediacon ng bagong pelikula ni Aljur Abrenica ay ipinaliwanag niya kung bakit niya nagawang mag-post ng mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ng asawang si Kylie Padilla. “I’m not proud sa nangyari. The reason why nagawa ko ‘yun, ‘yung post, kasi I felt like nasadsad na […]
-
READY TO SEE VALAK AGAIN? TICKETS FOR “THE NUN II” NOW AVAILABLE
THE ticketing site for the sequel to horror hit “The Nun” is now live. Calendar your day with Valak and book your tickets to see “The Nun II” now: https://www.nun2.com.ph/ Don’t forget to watch with friends… or not. “The Nun II” opens only in cinemas September 6. Watch the trailer: https://youtu.be/NNhtX4gtoiI About “The Nun II” 1956 – […]
-
PBBM CITES SIGNIFICANCE OF MATATAG CURRICULUM, SAYS IT COULD FINE TUNE PH EDUCATION
THE DEPARTMENT of Education’s (DepEd) launching of the MATATAG Curriculum will improve the country’s school curriculum and determine what suits the needs of Filipino learners, President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Monday. “This is very significant because…ang sinusubukan nating gawin ay ayusin ang curriculum para maging mas bagay sa pangangailangan ng mga […]