• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno uutang ng P1.6 trilyong pandagdag sa 2023 budget

UUTANG ng P1.6 trilyon ang gobyerno para mabuo ang panukalang P5.268 trilyon na pambansang budget sa susunod na taon.

 

 

Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance matapos tanungin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kung paano popondohan ang panukalang budget para sa 2023.

 

 

Ayon kay Angara, sa gitna ng plenary deliberation tungkol sa national budget, para sa kabuuan ng panukalang pondo sa susunod na taon ang P3.6 trilyon ay manggagaling sa mga buwis at kita ng pamahalaan.

 

 

Sa naturang halaga, ang P2.67 trilyon ay inaasahang makokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ang P765 bilyon naman ay inaasahang malilikom ng Bureau of Customs (BOC) at ang P168.2  bilyon ay manggagaling sa non-tax revenues.

 

 

Magugunita na sa committee hearings para sa panukalang national budget ay iginiit ni Pimentel na lampas P13 trilyon na ang utang ng pamahalaan hanggang nitong nakaraang Agosto.

 

 

Dahil dito kaya ayon kay Pimentel, bawat isa sa 109 Filipino ay may pagkakautang na P119,458 kaya dapat maging masinop ang paggamit sa pondo ng bayan.

 

 

Lumalabas din na umuutang ang gobyerno hindi lamang para sa mga gastusin ng pamahalaan kundi para ipambayad sa mga principal at tubo sa mga pagkakautang nito. (Daris Jose)

Other News
  • 3 propesora sinaluduhan ng PSC

    SUMAWSAW ang Philippine Sports Commission (PSC) sa selebrasyon ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa International Day of Education nang itakda nang itampok ang tatlong propesora sa Rise Up! Shape Up Web Women in Sports Program.     “We all know how important education is in building the character of responsible citizens. […]

  • Mayor Tiangco: Navotas, nananatiling COVID-19 free

    TINIYAK ni Mayor Toby Tiangco sa publiko na nananatiling ligtas ang Navotas mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dating kilala bilang novel Coronavirus (nCov).   “Walang kumpirmadong kaso ng nCov sa ating lungsod. Ang Task Force nCov, na pinangungunahan ng ating City Health Office, ang namumuno sa pagtugon sa isyung ito. Mamuhay po tayo nang […]

  • PETISYON NA KANSELAHIN COC NI TULFO, IBINASURA

    IBINASURA  ng second division ng Commission on Elections ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy  (COC) ni senatorial bet Raffy Tulfo, ayon kay acting Comelec chairman Socorro Inting nitong Miyerkules.     Sinabi ng Comelec second division na walang  misrepresentation sa COC ni Tulfo nang pangalanan niya si Jocelyn Tulfo bilang kanyang asawa.   […]