Gobyernong Duterte, determinado na patunayan na hindi magiging kulelat ang ‘Pinas na makamit ang herd immunity laban sa Covid-19
- Published on June 26, 2021
- by @peoplesbalita
DETERMINADO ang pamahalaang Duterte na patunayan sa foreign think tank na mali ang projection nito na magiging kulelat ang Pilipinas sa hanay ng mga bansa sa Asya na makakamit ang herd immunity laban sa coronavirus.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas maraming coronavirus vaccines ang ia-administer sa mga tao bunsod na rin ng karagdagang suplay na inaasahan na ide-deliver sa bansa.
Layon ng gobyerno na maunang makamit ang “population protection” sa National Capital Region at sa iba pang high-risk areas bago matapos ang taong 2021.
“We will prove them wrong,” giit ni Sec. Roque.
“I think ang basehan kasi ng think tank na ‘yan must have been our pace of vaccination early on na talagang Sinovac lang ang meron tayo at kakaunting AtraZeneca. Pero dumating na nga po ang ating mga bakuna at mas marami pang darating,” dagdag na pahayag nito.
Sa kasalukuyan, ang bansa ay nakatanggap na ng 14.2 million doses ng coronavirus vaccines, kabilang na ang kamakailan lamang na pagdating mula sa Sinovac at Pfizer.
Mahigit sa 2 milyong katao naman na karamihan ay mga health workers, seniors at mayroong comorbidity, ang nakapag-kumpleto na ng kanilang two-dose vaccination simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso.
Orihinal na nilalayon ng pamahalaan na mabakunahan ang 58 milyong hanggang 70 milyong adult Filipinos bgo matapos ang taon para makamit ang herd immunity.
Subalit maapos na makaranas ng pagkaantala sa vaccine delivery, bumaba ang vaccination goal nito at sa halip ay nilayon na lamang na makamit ang “population protection” sa National Capital Region at 8 iba pang lugar na may high coronavirus cases.
Ang NCR Plus ay kinabibilangan ng Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.
Samantala, sinabi naman ni Sec. Roque na nakamit na ng bansa ang ang “all-time high of 350,000 daily vaccination rate.”
Kaya, kumpiyansa aniya sila na ang daily vaccination rate ay maaring pumalo sa 500,000 sa oras na dumating sa bansa ang mas maraming bakuna.
At sa tanong kung makakamit pa ba ng bansa ang herd immunity ay sinabi ni Sec. Roque na “it was a different concept.”
Sa halip ay sinabi ni Sec. Roque na mas pinili nila na bigyang-diin ang layunin ng pamahalaan para sa “COVID-19 containment by December” dahil mas “achievable” raw ito.
“We’re still aiming na at least when we go outdoors, it could be a mask-less Christmas,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)
-
World Bank, inaprubahan ang $200-M dollars na karagdagang pondo para sa Ukraine recovery
INANUNSIYO ng World Bank (WB) na inaprubahan nito ang halos $200 milyon para sa karagdagan at reprogrammed na financing upang palakasin ang Ukraine’s social services para sa mga vulnerable people. Ang financing ay bahagi ng isang $3 bilyon na package support na dati nang inihayag ng World Bank na naghahanda ito para sa […]
-
GATHER YOUR COVEN FOR ‘THE CRAFT: LEGACY’ TRAILER
THIS Halloween, let the ritual begin. Watch the trailer for Columbia Pictures’ new supernatural thriller The Craft: Legacy, coming to Philippine cinemas soon. In Blumhouse’s continuation of the cult hit The Craft, an eclectic foursome of aspiring teenage witches get more than they bargained for as they lean into their newfound powers. Written […]
-
DAVID, handang sumubok sa sexy movies at willing ipakita ang lahat para walang mabitin
DAHIL nauuso na naman ang mga sexy movies, handa raw ang Kapuso hunk na si David Licauco na subukan ito. May malaking advantage si David dahil maraming netizen na parating inaabangan ang mga sexy pictorial niya for Bench Body. Kung sakaling gumawa ng sexy movie ito, tiyak na maraming beki ang manonood nito, […]