• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gold kay Junna Tsukii

Pinalakas ni national karateka Junna Tsukii ang kanyang pag-asang makasipa ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Ito ay matapos talunin ni Tsukii si Moldir Zhangbyr-bay ng Kazakhstan, 2-0 sa final round ng women’s -50 kilogram kumite at angkinin ang gold medal sa 2021 Karate 1 Premier League noong Linggo ng gabi sa Lisbon, Portugal.

 

 

Ipinagmalaki ng Fil-Japanese ang kanyang nakamit na gintong medalya sa nasabing torneo ng World Karate Federation (WKF). “Look at my first gold medal in the world calibre stage,” post ng 29-anyos na si Tsukii, gold medalist din noong 2019 Southeast Asian Games, sa kanyang Facebook account. “I would like to thank everyone who have supported me to this point.  This medal is for you.”

 

 

Nauna nang sinibak ni Tsukii si two-time world champion Alexandra Recchia ng France, 2-0 sa semifinals para labanan si Zhangbyrbay sa finals.

 

 

Ito ang unang gold medal ni Tsukii sa world division na nagpatibay ng kanyang tsansang makakuha ng Olympic slot.

 

 

Ang top four karatekas sa buong mundo ang awtomatikong mabibigyan ng Olympic berth sa Tokyo.

 

 

Si Tsukii ay kasalukuyang nasa No. 10 sa buong mundo at No. 5 sa Asya.

 

 

Nakatakdang sumabak si Tsukii sa pinakahuling Olympic qualifying tournament sa Hunyo sa Paris, France kasama sina national teammates Jamie Lim at Joan Orbon.

 

 

Bukod kina Tsukii, Lim at Orbon, ang iba pang sasabak sa nasabing Olympic qualifier ay sina Ivan Agustin, Shariff Afif, Alwyn Batican at Jason Macaalay.

 

 

Sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam ay pare-parehong qualified na sa Olympics.

Other News
  • LJ, humihingi ng prayers para sa kanila nina AKI at SUMMER; isyu sa kanila ni PAOLO gusto nang tapusin

    NAKA-SCHEDULE na ang airing ng bagong drama series na To Have And To Hold nina Max Collins, Rocco Nacino at Carla Abellana sa September 27, kaya naman masayang-masaya ang cast dahil nakalabas na sila sa lock-in taping nila mula sa Bataan.     Post ni Max, makakasama na raw niya ang anak nila ni Pancho […]

  • BFAR atras muna sa imported fish ban

    SINUSPINDE ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes ang pagbabawal sa pagtitinda ng mga imported na isda tulad ng salmon at pampano sa mga palengke at grocery na nakatakda sanang ipa­tupad sa Disyembre 4.     Idineklara ang moratorium sa pagpapatupad sa Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195, na ang ibig sabihin […]

  • Mahigpit 40 Filipino, inilikas mula Kyiv, Ukraine; naghihintay na makauwi ng Pinas —DFA

    MAHIGIT sa 40 Filipino ang inilikas mula Kyiv at dinala sa  lungsod ng  Lviv sa Ukraine at naghihintay ngayon na makauwi ng Pilipinas sa gitna ng pagsalakay ng Russia.     Ayon sa tweet ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Ysmael Arriola, tinanggap ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz sa  Lviv […]