• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo malabo para sa Asian Games SEAG

MALABONG maipagtanggol ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang kanyang mga titulo sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia, maging sa pagsabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China ngayong taon dulot ng mga nakatakdang lahukang kwalipikasyon para sa 2024 Paris Olympics.

 

Isiniwalat ni head coach Julius Naranjo na wala pang kasiguruhan ang paglahok ng kanyang sa dalawang pangunahing kumpetisyon dahil pagutuunan nila ng pansin ang Asian Championships, na isa sa mga qualifying tournament para sa Summer Olympic Games na nakatakdang simulan sa Hulyo 26 at magtatapos sa Agosto 11, 2024 sa Paris, France.

 

“I think at this moment, I can’t give a clear answer, because it conflicts with the World Championships, and the Asian Games conflicts is also quite near to another competition that we’re hoping to go for, so at this moment we’re still undecided, but seemingly so, that it my not be possible for us to compete in those competitions, unless there’s a big change,” pahayag ni coach Naranjo kahapon sa programang Power ‘N Play ni dating PBA commissioner at former PSC chairman Atty. Jose Emmanuel “Noli” Eala.

 

Nakatakdang ganapin ang Asian Championships sa Mayo 3-13 sa Jinju, South Korea na ilang araw ang diperensiya sa biennial meet na gaganapin naman sa Mayo 5-17.

 

Ang World Championships naman sa Riyadh, Saudi Arabia ay magbubukas sa Setyembre 2-17, na kasunod naman ang Hangzhou Games sa Setyembre 23-Oktubre 8.

 

“Alam na po namin and pinili po namin na to prepare on Olympic qualifying at iyun ang priorities eh, and at the end of the day, ang finish line is Paris 2024, so we choose to compete in Olympic qualifying which is quality over quantity, kasi kung mas kaunti iyung competition, mas makapag-prepare at mas lalong mabi-build up iyung strength at katawan na rin,” wika ni Diaz-Naranjo.

 

Sinabi naman ni Samahan ng Weightlifting ng Pilipinas Inc, President Monico Puentevella sa panayam ng Abante Sports sa telepono na nagsimula na silang humanap ng ibang pamamaraan at panibagong aasahang mga weightlifter na magbibigay ng medalya at hahalili sa pwestong iiwan ni Diaz-Naranjo sakaling hindi ito tumuloy na sumabak sa parehong SEA Games at Asian Games.

 

“We have other chances for SEA Games too, and we’re trying to look for a way to accommodate both SEA Games and Asian Championships [for Hidilyn]. Vanessa (Sarno), Ando (Elreen), Faustino (Rosalinda) and Macrohon (Kristel) have good chances too, and we still have a try out for the men’s,” saad ni Puentevella. (CARD)

Other News
  • Sky Candy nangibabaw

    HINDI naglaho ang galing ni Sky Candy na nirendahan ng class A na hineteng si JA Guce, maski matagal na nabakasyon pinamayagpagan nitong Linggo ang PHILRACOM-RBHS Class 3 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.   Dinamba ura-urada ng nasabing kabayo ang primera pagkalabas ng aparato, paentra ng far turn, humirit sina Refuse To […]

  • CabSec Nograles, pinalagan ang pahayag ng mga kritisismo na “back to square one” ang gobyerno

    TODO-DEPENSA si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pamahalaan mula sa kritiko na nagsasabing “back to square one” ang bansa sa ginagawa nitong pagtugon sa COVID-19 dahil sa ulat na pagtaas ng bilang ng tinatamaan nito.   Giit ni CabSec Nograles, gumagana ang health safety protocols sa bansa.   “But we have to remember that even […]

  • NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION PENALTY, IPATAW sa DRIVER!

    Maganda at napapanahong ipatupad ang No-Contact-Traffic Apprehension upang mabawasan ang pangongotong sa lansangan at face-to-face ng enforcer at driver.  Inaasahang nadidisiplina nang husto ang mga driver dahil kahit walang tagahuli ay makukunan ang violator gamit ang mga cctv at digital cameras.     Kung paniniwalaan ang mga datos ng MMDA at LGUs na nagpapatupad ng no-contact-apprehension […]