Golden State Warriors natuwa sa pagbabalik na sa practice ni Klay Thompson
- Published on October 1, 2021
- by @peoplesbalita
Nagbubunyi ngayon Golden State Warriors matapos na makita sa kanilang training camp ang pagbabalik na ni NBA superstar Klay Thompson.
Inabot din ng mahigit sa dalawang taon na hindi nakapaglaro si Thompson sa NBA.
Sumailalim kasi ito sa pagpapagamot matapos magtamo ng pagkapunit ng ACL sa kanyang kaliwang paa sa Finals ng Game 6 noon pang June 2019.
Si Thompson ang itinuturing na isa sa pinakamatinding shooter sa liga.
Natuwa naman si Warriors coach Steve Kerr sa nakita sa team practice na mistulang hindi pa rin daw kumukupas ang pamatay na mga three-point shots ni Thompson.
Sa kabila nito, ilang buwan pa ang aantayin bago tuluyang makalaro si Klay sa koponan kung saan sa October 19 na magbubukas ang bagong season ng NBA.
Nabanggit na rin ni Thompson na nasa 80 porsyento pa lamang siya at puspusan pa rin ang rehabilitasyon sa kanya
-
Tanong ng netizens, bakit pati sina Liza at Julia? : KATHRYN, in-unfollow na si DANIEL kaya malabo nang magkabalikan
NAGING usap-usapan ng netizens ang ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Instagram. Tila nagbigay na ng hudyat si Kath na imposible na silang magkabalikan pa ni DJ, na balitang muling nanunuyo sa babaing minahal nang lubusan. Napanood nga sa video sa kasal nina Robi Domingo […]
-
James Gunn’s ‘The Brave and the Bold’ Could Finally Be A Proper Batman and Robin Movie
THE Batman franchise will be rebooted yet again in The Brave and the Bold, a film set in James Gunn’s DC Universe that could finally be a proper Batman and Robin movie. Robin has been an indispensable part of the Batman mythos, debuting less than a year after Batman himself. While the original […]
-
DPWH at DSWD, kapwa nanguna sa Q3 gov’t spending
KAPWA nanguna ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paggasta ngayong third quarter ng taon. Ito ang isiniwalat ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon sa Palace press briefing, araw ng Martes matapos ang sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand […]