• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gonzaga sa PSA awards

Maraming nagserbisyong atleta bilang frontliners mula nang magka-Covid-19 noong isang taon na ang upang matulungan ang bansa at ang mga mahihirap na labis na naapektuhan ng pandemya.

 

 

Bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at kawanggawa, ilan sa kanila pagkakalooban ng ‘Special Recognition’ sa virtual San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa Sabado, Marso 27 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.

 

 

Ang special citation ay parte sa 2020 honor roll nang pinakamatagal na media organization sa bansa na pinamumunuan ng pangulo na si Tito S. Talao, sports editor ng Manila Bulletin, sa event na ihahatid ng SMC at mga suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV.

 

 

Ilan sa tatanggap ng nabanggit na award sina Southeast Asian Games gold medalist Nikko Bryan Huelgas at Maria Claire Adorna ng triathlon, nationalmen’s indoor volleyball coach Dante Alinsunurin at national players Jessie Lopez at Ranran Abadilla;

 

 

University of Santo Tomas Tigresses mentor Emilio Reyes, Jr., at national women’s volleyball team member Jovelyn Gonzaga na mga itinaya ang kanilang buhay para magsilbi sa bansa sa panahon na kailangan ng tulong ng karamihan. (REC)

Other News
  • PAOLO, muling nagparamdam sa Instagram account after nang pananahimik; may nagyaya na mag-Baguio as a friend

    POSIBLENG dahil malapit ng ipalabas ang GMA Afternoon Prime na I Left My Heart in Sorsogon kunsaan, pinagbibidahan ito nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis kaya ang huli ay biglang nagparamdam na sa kanyang Instagram account.     Halos dalawang buwan din itong nanahimik. Ang pinost nga ni Paolo ay ang pag-ride na […]

  • DSWD: P935 milyong educational ayuda, naipamahagi na

    UMAABOT na sa mahigit P935 milyong halaga ng educational assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit 370,000 student beneficiaries mula ng ipinatupad ang naturang programa.     Ayon kay DSWD Un­dersecretary Jerico Javier, hanggang noong Setyembre 10, aabot na sa P935,971,800 ang kabuuang halaga na naipamahagi nila sa […]

  • Tourist arrival target ng bansa nalagpasan na – DOT

    IPINAGMALAKI ng Department of Tourism na nalagpasan na nila ang kanilang year-end target na tourist arrvivals.     Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, na mayroon ng 5.070 milyon ang naitalang international visitors na malinaw na nalagpasan ang 4.8-M na target ngayong taon.     Sa nasabing bilang ay nagdala ito ng P439.5 bilyon na […]