Gordon, bahag ang buntot na maging paksa nang pagsisiyasat ng COA ang PRC
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na takot si Senador Richard Gordon na maging paksa ang Philippine Red Cross (PRC) nang pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA).
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee ukol sa P8-bilyong halaga ng pandemic supply na binili ng pamahalaan mula sa maliit na kumpanya na Pharmally corporation na pag-aari ng isang dakot na Chinese individuals.
Si Gordon, tumatayong PRC chair, ay siya ring chairman ng Senate blue ribbon panel.
“Takot ka [ma-audit] kasi marami kang atraso over the years,” ayon kay Pangulong Duterte.
“You won’t have the time to cover up everything,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang pondo ng pamahalaan na ibinayad sa PRC para sa pagsasagawa ng RT-PCR COVID-19 test ay paksa sa COA audit.
Inulit ni Pangulong Duterte ang naunang sinabi ni Sec. Roque na mahaharap ang senador sa isang pagtutuos.
“We need to know nasaan na ang pera , Senator Gordon. I am demanding an answer, and we will go over it with COA report which is a public document,” giit ng Pangulo. (Daris Jose)
-
Sinasala na mga nominado sa Philippine Sports Hall of Fame
NAGSARA na pala ang nominasyon para sa ikaapat na grupo na mga nakatakdang iluluklok sa 2021 Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) nito lang Linggo, Enero 31. Sinimulan na ring salain na ang screening ng dalawang komite ng PHSOF mga kandidato para sa mga pinal na mapipili na pararangalan sa okasyon sa taong […]
-
KIM, happy dahil fully-vaccinated na laban sa COVID-19; laging gutom ang side effect
HAPPY si Kim Chiu dahil fully-vaccinated na siya laban sa COVID-19. Share niya sa Instagram: “JGH. Finally. I have prayed for this day to come! Seeing the covid19 videos last year scared me, so many “what ifs” on my mind. I made myself physically active by doing different workouts to help my™ lungs […]
-
PARTIDO NI BBM NAGLUNSAD NG ‘BEST BET’ STRATEGY PARA SA OFWs
Nitong Martes, naglunsad ng isang pangmatagalang plano ang partido ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang mapagbuti ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga migranteng Pinoy sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Iprinisenta ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) International Affairs Committee na pinamumunuan nila Chairperson Ms. Saidah Tabao Pukunum sa pamamagitan […]