Gov’t agencies pumirma sa memorandum para sa COVID vaccine mass importation at local production
- Published on May 21, 2021
- by @peoplesbalita
Pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang nabuong joint memorandum circular ng ilang ahensiya ng gobyerno para mapabilis ang importasyon ng COVID-19 vaccines at maging ang manufacturing.
Ayon sa kalihim, may malaking impact daw ang naturang kasunduan sa ekonomiya ng bansa dahil makikinabang dito ang business sector.
Sinabi pa ni Sec. Duque, ang inisyatibong ito na bukod sa target na maparami ang supply ng bakuna sa bansa, mahalaga rin daw ito upang iangat ang teknikal na kakayahan at kagalingan ng lokal na industriya.
Batay sa Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2021, pumirma rito ang Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Food and Drug Administration (FDA), National Task Force against COVID-19 (NTF against COVID-19) at ang Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Kabilang sa highlight ay ang pagtatayo ng “green lane” para mas mapabilis ang pagkuha ng permits, licenses, pagkuha ng otorisasyon sa pag-angkat ng bulto ng mga bakuna at ang pagtatayo ng COVID-19 vaccine manufacturing facility.
“Ang inisyatibong ito, bukod sa magiging tulong sa pagdami ng supply ng bakuna sa bansa upang maprotektahan ang sambayanang Pilipino, ito ay mahalagang kontribusyon upang iangat ang teknikal na kakayahan at galing ng lokal na industriya, para palakasin ang ekonomiya ng ating bansa,” ani Duque.
Para naman kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, sinabi nito na ang naturang hakbang ay panimula sa pagiging self-sufficiency ng bansa sa vaccine production dahil makakaengganyo ito sa pamamagitan ng incentives para sa mga vaccine manufacturers.
“This is the first and necessary step in our journey towards having our very own vaccine manufacturing facility,” pahayag pa ni Lopez. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
P4.2 BILYONG PISO HALAGA NG IMPRASTRAKTURA, WINASIWAS NG BAGYONG ULYSSES
UMABOT na sa P4.2 bilyon piso halaga ng imprastraktura ang nasira ng bagyong Ulysses. Sa idinaos na Special Presidential briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na pumalo na sa aabot sa 52 road sections ang sarado pa ngayon at hindi pa madaanan […]
-
Mga gobernador ng Laguna, Cavite, iba pang lalawigan tiniyak ang landslide win ni BBM
ILANG araw bago ang halalan, lalo pang tumibay ang tsansa ni presidential frontrunner at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na manalo matapos tiyakin ng mga gobernador ng mga pinaka vote- rich na lalawigan sa bansa ang kanyang tagumpay. Sa isang pulong sa BBM Headquarters sa Mandaluyong ay siniguro nina Gob. Jonvic Remulla ng […]
-
Ads November 4, 2021