Granular lockdown sa NCR mahigpit na ipatutupad ng PNP
- Published on August 24, 2021
- by @peoplesbalita
Todo bantay at mahigpit na tutulong ang Philippine National Police (PNP) sakaling magpatupad ng mga ‘granular lockdowns’ ang mga local government unit (LGU) sa buong Metro Manila matapos na isailalim na ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.
Una rito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na ang mga lugar sa National Capital Region (NCR) na may mataas na kaso ng COVID-19 ay isasailalim sa granular lockdowns. Gayundin sa mga lugar na may namonitor na Delta at Lambda variants ng COVID.
Ang NCR ay isinailalim na sa MECQ hanggang sa katapusan ng Agosto ng taong ito.
“We should not let our guard down as the threat of COVID-19, especially its more infectious variants, is still here. Tatalima tayo sa kautusan sa PNP na maigting na pagpapatupad ng granular lockdowns sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19,” pahayag ni Eleazar.
“I have tasked police chiefs to prepare their men for this,” giit pa ni Eleazar na sinabing ang lahat ng mga PNP personnels ay magpapatuloy sa pagpapatupad ng minimum public health safety standards at quarantine protocols.
Sa ilalim ng MECQ, ang dine-in services ay ipinagbabawal habang ang mga care services tulad ng mga beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail SPAs ay hindi pinahihintulutan.
Samantala, nanawagan naman si Eleazar ng kooperasyon ng publiko at hinikayat ang mga ito na huwag maging pasaway sa panahon ng pandemya. (Daris Jose)
-
Sa ilalim ng programang “NO WOMAN LEFT BEHIND” ng QC LGU, 19 na babaeng PDL naka-graduate at may degree na
NAKAKUHA ng degree sa Bachelor of Science in Entrepreneurship ang labing siyam na babaeng PDL o Person Deprived of Liberty sa ilalim ng programang “No Woman Left Behind” ng Quezon City Government. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nakatataba ng puso na makitang mayroon ng college degree ang mga PDL at patunay […]
-
1,000 pulis idineploy sa libing ni ex-President Noynoy
Nasa 1,000 pulis ang naatasang idineploy sa funeral procession ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kahapon. Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar unang nagpakalat ng mga pulis sa Ateneo de Manila University sa Quezon City kung saan isinagawa ang misa sa dating Pangulo hanggang sa procession route sa C5 Road at […]
-
DBM, target na gawing ‘No. 1’ ang Pilipinas sa buong mundo para sa budget transparency
NANGAKO si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para iposisyon ang Pilipinas bilang ‘top country’ sa buong mundo para sa ‘budget transparency at oversight.’ Ito’y matapos na isatinig ng Kalihim ang achievement ng administrasyong Marcos habang pino-promote ang open governance. Sabay sabing nakuha ng […]