Grateful dahil sixteen years nang Kapuso… HEART, nag-panic at umiyak nang malamang mamumuno ng SSFI
- Published on July 31, 2024
- by @peoplesbalita
SIXTEEN years na palang Kapuso si Heart Evangelista.
Sobrang grateful nga siya sa muling pagoirma ng exclusive contract sa GMA Network.
Sa guesting ng Kapuso actress sa “Fast Talk With Boy Abunda” last July 29, inamin niya na, “I’ve been through so much with GMA. Sobrang dami kong pinagdaanan, and you know noong dumating ako sa GMA, I’m really in a bad state of mind. I was heart broken. I felt I have nowhere to go. And they really gave me an opportunity.
“That was the one biggest contracts I signed in my life and I’m so grateful.”
Inamin din ni Heart ang naramdaman nang malamang siya ang mamumuno ng Senate Spouses Foundation Inc. (SPFI).
Automatic ito, matapos ngang maluklok ang kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero bilang bagong Senate President, na kapalit ni Sen. Migz Zubiri.
“I didn’t know that I had a role or whatsoever that it was just you know, all of a sudden you have to head this and that.
“Umiyak ako, na-upset ako nang konti,” sagot ni Heart
“Nag-panic talaga ako kasi alam ko na you know anything you associate yourself with that, you’ll get bashed. I’m afraid of that so I tried to shy away.
“But the honest truth, I love it so much because I do my own thing. Meron akong mga ginagawa para you know, points ko sa heaven ay mas importante.
“So, I’m very silent. And I’m very sensitive about questioning my sincerity.”
Dagdag pa ng international fashion icon, “I’m also very lucky that I worked with wonderful companies in the past that are all out in supporting my projects.
“So talaga parang feeling ko I have a purpose. I’m not sure how long I have but I will do my best and I love working.
“With this platform, I’m able to do so much with other senate spouses.”
Magpo-focus ang SSFI sa iba’t ibang isyu ng mga kabataan at kababaihan kasabay ng pagsusulong sa mga “small infrastructure projects” na sinimulan ng mga dating head ng grupo.
(ROHN ROMULO)
-
2 kulong sa baril at patalim sa Caloocan
LAGLAG sa selda ang dalawang lalaki matapos mahuli sa akto na may dalang baril at patalim habang pagala-gala sa lansangan sa Caloocan City. Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng Police […]
-
NBA TARGET ANG MULING PAGBABALIK SA DEC. 22
UNTI-UNTI nang inilalatag ng NBA ang pagsisimula ng kanilang 2020-2021 season sa pamamagitan nang pagbubukas sa Dec. 22 ng taong kasalukuyan. Ang naturang impormasyon ay ipinaabot na rin ng liga sa mga Board of Governors. Sinasabing magkakaroon ng 72-games kung saan mauuna ang mga laro, tatlong araw bago ang kapaskuan. Gayunman kailangan […]
-
Sunog sa Manila Central Post Office, dahil sa sumabog na baterya ng sasakyan
AKSIDENTE lamang umano ang sunog na tumupok sa Manila Central Post Office sa Lawton, Maynila noong nakaraang buwan. Ito ang naging resulta nang isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagsabing ang apoy ay nagmula sa sumabog na baterya ng sasakyan na na-discharged at nag-init hanggang sa tuluyang magliyab at tumupok […]