• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grateful sa mga nagawa ng aktres: VICE GANDA, iniyahag na magsasama sila ni GLADYS sa movie ni Direk JUN

SA 20th wedding anniversary celebration nina Gladys Reyes at mister nitong si Christopher Roxas kamakailan inihayag ni Vice Ganda na magsasama sila ng matalik niyang kaibigang aktres sa isang pelikula sa ilalim ng direktor na si Jun Lana.
Lahad ni Vice, “Meron akong project with Direk Jun. Saktung-sakto kasi Jun Lana baby siya.
“Sabi ko, ‘Sabihin ko kay direk Jun, magsama tayo sa next project.’ Kaya I’m very happy to be here tonight, hindi ako puwedeng um-absent.”
Streaming ngayon sa Netflix ang ‘Barber’s Tales’ na pelikula ni Gladys na ang direktor ay si direk Jun.
Pagpapatuloy pa ni Vice, “Nag-usap nga kami nina Bianca saka nina Ruru, ‘Magpa-attendance na tayo. Kasi kung hindi, masusumpa tayo.’”
Sabay-sabay dumating sa party nina Gladys at Christopher sina Vice, Bianca Umali, Ruru Madrid at Vhong Navarro.
Lahad pa ni Vice, “Mahal na mahal kita. Alam mo namang mahiyain ako sa mga event. Ha! Ha! Ha! Mahiyain ako sa mga events!”
“Kaya kahit ano pa man, I will always make it for you because I love you very much. You’re so dear to me.
“And I am very grateful to everything that you have shown me, sa lahat-lahat.
“Sa industry, hindi po imposibleng magkaroon ng kaibigang pangmatagalan. Posibleng-posible po yun kay Gladys.
“Maraming salamat. I love you.”
Sinagot ito ni Gladys ng, “I love you sis.”
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Vice at Gladys maraming taon na ang nakalilipas noong sabay silang naging hurado sa ‘It’s Showtime’.
Samantala, bukod kina Vice, Bianca, Ruru at Vhong ay nasa party rin sina Angelu de Leon, Wowie de Guzman, Bianca Lapus, Patricia Javier at mister nitong chiropractor na si Rob Walcher, Archie Alemania at Claudine Barretto.
Kasabay sa selebrasyon na ginanap sa The Glass Garden Events Place ang18th birthday ng guwapong panganay na anak ng mag-asawa na si Christophe.
Ginanap rin that night ang pagpirma ni Christophe ng kontrata sa ABS-CBN Star Music bilang contract artist nila dahil mahusay na singer at performer ang binata.
(ROMMEL L. GONZALES) 
Other News
  • 186 lugar sa NCR naka-granular lockdown – PNP

    Nasa 186 pang lugar sa Metro Manila ang nakasailalim  sa granular lockdown.     Sa datos ng  Philippine National Police (PNP), bumaba na ang  bilang mula sa 192 na naitala kamakalawa.     Ang mga lugar na naka-lockdown ay mula sa 122 mga barangay sa Metro Manila kabilang ang 133 mga bahay, 19 residential building, […]

  • Na may kinakaharap na problema sa ibang bansa… DMW sa Hunyo pa pormal na sisimulan ang pagtulong sa mga OFW

    MAGSISIMULA sa buwan ng Hunyo ang paghawak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa paghawak ng Assistance to Nationals program na pinapatakbo ng Department of Foreign Affairs.     Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople, na ngayong buwan sana ang pagsisimula ng paghawak nila ng programa subalit ito ay ipinagpaliban dahil kailangan pa nila ng […]

  • SEPS Online ng Bulacan, wagi ng Best in LGU Empowerment Award sa DGA 2021

    LUNGSOD NG MALOLOS– Iniuwi ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng Lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na birtwal na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong Oktubre 29, 2021.       Tinanggap ni Gobernador Daniel R. Fernando na […]