• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grupo ni Manny Pangilinan may planong magkaroon ng buy out sa Ayala’s LRT1 stake

TULOY ang plano ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) sa ilalim ni Manny Pangilinan na bilihin ang 35 porsiento investment ng mga Ayalas sa operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) upang mas mapalakas ang MPIC’s portfolio na siyang magbibigay daan sa tuluyang pag-bid sa nasabing railway.

 

 

 

“Our company is looking to acquire the Ayala’s stake in the Light Rail Manila Corp. (LRMC) to become its majority owner with a 70.8 percent share,” wika ni MPIC chairman Manuel V. Pangilinan.

 

 

 

Ayon kay Pangilinan ang acquisition ng MPCI sa interes ng mga Ayalas sa LRMC ay siyang magpapatibay at magtataas sa kanilang operasyon ng railway at palalakasin ang kanilang hangad na mag-bid sa concession upang sila na ang mag-operate at mag- maintain ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3).

 

 

 

“I think the principle we are (keen on buying the Ayala stake in LRMC) for a number or reasons. One is the possibility of being able to bid for the MRT3,” dagdag ni Pangilinan.

 

 

 

Dati pa nagbigay ng isang unsolicited proposal ang MPIC upang sila ang mag manage ng MRT 3 subalit ang Department of Transportation (DOTr) ay hindi ito tinanggap sapagkat gusto ng DOTr na magkaroon ng mga bagong offers para sa proyekto.

 

 

 

Sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos, Jr. at sa pangunguna ni DOTr Secretary Jaime Bautista ay nakita ang kanilang kagustuhan na magkaron ng solicited bidding ang privatization ng transport assets.

 

 

 

Kung kaya’t gagawin ng DOTr ang kaparehong sistema sa operasyon ng maintenance ng MRT3 kapag ang kasundaan sa pagitan ng Sobrepena-led Metro Rail Transit Corp at DOTr ay nag- expire na sa 2025.

 

 

 

Noong nakaraang January, si Pangilinan ay nagpahayag ng kanyang intensyon na  makipag- partner kay San Miguel’s Ramon Ang sa isang bidding para sa kontrata na hahawak ng nasabing rail line. May plano rin ang San Miguel Corp. (SMC) na kunin ang operasyon at pangangasiwa ng MRT3 dahil ito ay makapagpapalakas sa operasyon ng ginagawang Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) na kanilang tinatayo.

 

 

 

Ang LRT 1 at MRT 7 ay magdudugtong sa MRT 3 kapag natapos ng pamahalaan ang pagtatayo ng Unified Grand Central Station sa lungsod ng Quezon. Kung kaya’t magiging importanteng asset ang MRT3 sa pag take-over ng MPIC at SMC sapagkat magdudugtong ito sa kanila-kanilang railways sa north at south ng Metro Manila.

 

 

 

Noong February, sinabi ni Ayala Corp. chief finance officer Alberto de Larrazabal na ang grupo ng Ayala ay umaasang makaalis na sa railway business sa darating na anim na buwan bilang bahagi ng kanilang divestment program.

 

 

 

Inaasahan ng grupo ng Ayala na makakakuha sila ng $350 milyon mula sa kanilang disposal ng kanilang 35 porsiento na bahagi sa LRMC at bukas din sila sa idea na ibenta ang kanilang stake sa grupo ni Pangilinan. LASACMAR

Other News
  • Samahan ni Bert “Tawa” Marcelo at San Miguel, nanatiling matibay

    HINDI na inabutan ng yumaong si Bert “Tawa” Marcelo ang pagbabago ng kumpanyang gumagawa ng paborito nyang beer.   Ngunit ayon sa anak niyang si Gerard ay matutuwa ito kapag nalamang nakaalala ang San Miguel sa kanyang ama at magtatayo na nga ng paliparan sa Bulacan.   “He would have loved to meet Mr. Ramon […]

  • 3,012 BUSINESS ESTABLISHMENT NAGHAIN NG TEMPORARY CLOSURE

    NAGHAIN sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang may 3,012 na mga establishment ng temporary closure matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic.   Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III,nangangahulugan umano ito na mawawalan ng trabaho pansamantala ang may 100,000 empleyado.   Una nang sinabi ni Bello na aabot sa may 2.7 milyon workers […]

  • Kulang-kulang 700K rice farmers, makikinabang mula sa RCEF Mechanization Program

    IN-UPGRADE ng Department of Agriculture (DA) ang pamamaraan ng mga magsasaka sa kanilang paghahanapbuhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng makinarya at kagamitan.     Sinabi ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) na may 682,502 magsasaka sa buong bansa ang recipients ng Rice Competitiveness Enhancement Fund’s (RCEF) Mechanization Program “as of December […]