Guce babawi sa Symetra
- Published on April 13, 2021
- by @peoplesbalita
TIYAK na reresbak si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic sa Abril 16-19 sa Sewailo Golf Club sa Tucson, Arizona.
Sumablay sa cut ang 30 taong-gulang, isinilang na Pinay na nakabase sa Estados Unidos at nasa ikaanim niyang taon sa Symetra, sa unang dalawang yugto ng official golf development tour at qualifier ng Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour .
Ito ay sa $200K 1st Carlisle Arizona Golf Classic noong Marso 18-21 sa AZ at sa $150K 9th IOA Championship sa California noong Mar. 26-28.
Ang pinakamaangas niyang taon sa ST ay nang makasambot ng dalawang korona noong 2016 sa Danielle Downey Credit Union Classic na may gantimpalang $30K (₱1.4M), at Decatur-Forsyth Classic na may premyongng $19.5K (₱947K).
Humampas na rin sa 19 na torneo ng LPGAT si Guce sa dalawang taong pagkampanya. Naka- 16 events siya noong 2019 at tatlo nitong 2020.
Pinakamagarang tapos niya sa isang event ay ang ika-12 puwesto sa Indy Women in Tech Championship sa Indianapolis na rito’y sinubi niya ang $33,573 (₱1.6M). (REC)
-
Romualdez pinuri anti-smuggling ops ng Customs
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Bureau of Customs (BOC) sa pinaigting nitong kampanya laban sa smuggling na nagresulta sa pagkakasamsam ng P85.1 bilyong halaga ng kontrabando at ang matagumpay na pagsasagawa ng mahigit 2,100 anti-smuggling operations noong 2024. Habang kinikilala ang mga mahahalagang tagumpay ng BOC, muling iginiit ni Speaker Romualdez ang agarang […]
-
Sale and transfer ng mga tricycle, dapat bang ipatigil na?
MARAMING mga opisyal at drivers ng TODA ang sumangguni sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa diumano ay mga katiwalian sa ‘sale and transfer’ ng prangkisa ng tricycles. Nariyan ang doble o higit pang presyo ng pagbebenta ng prangkisa. Sobrang mahal ang pagbenta samantalang sari-sari ang problema. Ganito rin malimit ang […]
-
SENATE BILL 2094: IBA ANG PUBLIC UTILITY sa PUBLIC SERVICE, at ang EPEKTO sa PUBLIC LAND TRANSPORTATION
Sa mahabang panahon ang public land transport ay itinuturing na public utility business kaya naman ayon sa nationality restriction provision ng Saligang Batas ay dapat at least 60 percent ay pagaari ng mga Pilipino. Ibig sabihin ay maaring pumasok sa public transport ang mga dayuhan basta hindi lalampas sa 40 percent ang kanilang […]