• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GUMAGAWA NG COMMUNITY PANTRY, HUWAG ISTORBOHIN, ISKO

NAGBIGAY ng direktiba sa Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) na huwag istorbohin  ang sinumang gumagawa ng kabutihan.

 

Ayon kay Yorme, maaari nang ituloy ng Pandacan Community Pantry ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

 

Mismong si Manila Mayor Isko Moreno na ang nagsabi na maaari nang ituloy ng Pandacan Community Pantry ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga taong apektado ng COVID-19 pandemic.

 

Ito ay matapos na itigil ng organizer ng Pandacan community pantry ang kanilang community pantry  dahil sa pangamba sa kanilang buhay dahil sa umano’y profiling ng mga pulis ng MPD.

 

Sinabi ng Alkalde na suportado  ng local na pamahalaan ng Maynila ang community pantry sa Pandacan at iba pang kahalintulad sa lungsod ng Maynila.

 

Maari rin aniyang magtungo sa Manila City Hall ang organizer ng Pandacan Community Pantry upang personal siyang makausap at ilahad ang kanilang mga concern o sitwasyon.

 

Sinabi naman ni MPD director P/BGEN Leo Francisco na walang pag-uutos ang MPD at kahit mula sa leadership ng Philippine National Police o PNP na mag-profiling.

 

Sa halip,sinabi ni Francisco na handa raw ang MPD na tulungan pa ang mga mayroong may community pantry pagdating sa seguridad at pagpapatupad ng health protocols kontra COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)