‘Gumawa ng paraan para mabakunahan lahat’
- Published on October 27, 2021
- by @peoplesbalita
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGU) na maghanap ng mabisa at sistematikong paraan para matukoy kung sino sa kanilang mamamayan ang hindi pa naturukan ng COVID-19 vaccine.
Sa kanyang “talk to the nation” nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gawin lahat ng mga LGU ang kanilang makakaya para mabakunahan ang kanilang mamamayan.
Ipinagmalaki pa nito noong siya ang alkalde sa Davao ay may paraan itong ipinatupad upang sumunod ang mga tao sa kaniya.
Depende lamang aniya sa pakikitungo ng alkalde sa kaniyang mamamayan lalo na at may ibang mga ibang barangay officials ang hindi niya kaalyado.
Binalaan din ng pangulo ang mga hindi susunod sa mga protocols na itinakda ng LGU na mahaharap ang mga ito sa kaso. (Daris Jose)
-
Sparring partner pinaluhod ni Pacquiao sa ginawang sparring session
Napaluhod ni Sen. Manny Pacquaio ang isa sa tatlong foreign sparring partners nito sa nangyaring sparring sessions sa Wild Card Gym. Sinabi ni Joey Concepcion, Team Mindanao Head ni Senator Manny Pacquiao, na isa sa ginagawang taktika laban kay Errol Spence ang ginamit ni Pacquiao sa di pinangalang sparring partner. Dagdag pa […]
-
Panelo, binanatan ang Senado sa pagdaraos ng ‘question hour’, at hindi imbestigasyon ‘in aid of legislation’
BINANSAGAN ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang Senate hearings ukol sa di umano’y korapsyon sa pamahalaan sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic bilang “question hour” at hindi true-blue investigation “in aid of legislation”. Ginamit ni Panelo ang posisyon ng Korte Suprema na “takes judicial cognizance of the fact that the right […]
-
Garma umeskapo sa Pinas, arestado sa US
HINARANG ng mga awtoridad sa Amerika si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at retired police Colonel Royina Garma. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na noong Nobyembre 10 sakay ng PR 104 flight patungo sa San Francisco sa Amerika si Garma. Kasama […]