• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guwardiya ng Immigration, P7.8M ang net worth!

PINASASAILALIM ng Senado sa lifestyle check ang isang security guard na diumano’y sangkot sa kontrobersiyal na “pastillas” scheme dahil sa pagkakaroon nito ng net worth na aabot sa P7.8 milyon.

 

Sa pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations ang gender quality, inusisa ni Senadora Risa Hontiveros si Fidel Mendoza, security guard ng Bureau of Immigration (BI), kung bakit P7.8 milyon ang net worth nito.

 

“Security guard pero P7.8 milyon ang net worth n’yo?” tanong ni Hontiveros kay Mendoza.

 

Si Mendoza ay isa sa mga kanang kamay diumano ni dating BI Deputy Commissioner Marck Red Marinas na nauna nang inakusahan ni Immigration Officer Allison “Alex” Chiong na nasa likod diumano ng “pastillas” money-making scheme.

 

Ayon kay Mendoza, salary grade 5 lang siya sa BI at may buwanang suweldo na P11,000 subalit umaabot umano sa P31,000 ang kabuuan niyang tinatanggap dahil may augmentation allowance na P20,000 kada buwan.

 

“Salary Grade 5 po Mam, P11,000 plus augmentation pay na P20,000, total na P31,000 a month,” sagot ni Mendoza sa tanong ni Hontiveros.

 

Dahil hindi kumbinsido sa paliwanag ni Mendoza, inirekomenda ni Hontiveros na isailalim ito sa lifestyle check.
Pinabulaanan pa ni Mendoza na naging chief of staff siya ni Marinas noong panahon na BI Deputy Commissioner pa ito subalit naging ‘trusted man’ umano siya nito.

 

“Hindi po (naging chief of staff). Staff niya po ako, lahat ng mino-monitor mga staff sa Port Operations Division, kasama po niya ako sa meetings,” lahad ni Mendoza.

 

“Hindi ko masabing kanang kamay. Malaki siguro ang tiwala niya sa akin, pag may mga ganoon po kasama niya ako palagi. Basta katiwala ganun po, trusted man,” sambit pa nito.

 

Unang ibinunyag ni Chiong na isa si Mendoza sa mga tao ni Marinas na nagpapatakbo diumano ng ‘pastillas’ scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

Ang iba pa ay sina Erwin Ortañez, Glenford Comia, Bien Guevarra at Den Binsol.

 

Iginiit naman ni Mendoza na wala siyang alam tungkol sa sinasabing “pastillas” raket ng ilang tiwaling immigration officer ng BI.

Other News
  • GAME CREATORS REACT TO MOVIE VERSION OF “MONSTER HUNTER”

    IN bringing Monster Hunter from game consoles to the big screen, writer-director Paul W.S. Anderson sat down multiple times with the game creators Ryozo Tsujimoto and Kaname Fujioka to dial in the look of the monsters.   In a recently released video, the creators share their excitement upon seeing how Ander- son remained faithful to […]

  • Netizens, tuwang-tuwa at kinakiligan ang photos nila: ZANJOE, parang nag-dyowa reveal sa IG post kasama si RIA

    KINAKILIGAN at pinusuan ng mga netizens ang latest IG post ni Zanjoe Marudo na kuha sa Japan na kung saan kasama ang mga kaibigan na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia at si Ria Atayde na pinagdududahang karelasyon niya ngayon.   Sa series of photos, makikita nga na magkasama ang dalawa, bukod sa pampa-good […]

  • Kasalang LUIS at JESSY, pinilit maging sikreto pero lumabas pa rin at maraming nakahula

    SA totoo lang, hindi na kami nagulat at tingin din namin, sampu ng netizens na isang buwan na palang kasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.     Gaano man nila pinilit na maging pribado at sikreto ito na ginanap sa The Farm at San Benito noong February 21 ng taong ito, may lumabas pa […]