‘Hackers’, ninakaw ang COVID-19 vaccine data ng Pfizer-BioNTech – report
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
Inamin ng mga kompanyang Pfizer at BioNTech na na-hack ang kanilang mga dokumento na may kinalaman sa dinevelop nilang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa ulat ng Reuters, sinasabing napasok ng hackers ang regulator na European Medicines Agency (EMA), na responsable sa pagbibigay ng approval sa mga gamot at bakuna sa European Union.
“The agency has been subject to a cyber attack and that some documents relating to the regulatory submission for Pfizer and BioNTech’s COVID-19 vaccine candidate… had been unlawfully accessed,” ayon sa EMA.
Wala pang inilalabas na ibang detalye ang regulatory agency. Pero agad nilinaw ng Pfizer-BioNTech, na walang impormasyon mula sa participants ng kanilang ginawang clinical trial ang mako-kompromiso.
“(EMA) has assured us that the cyber attack will have no impact on the timeline for its review.”
Kamakailan nang gawaran ng British government ng emergency use authorization ang bakunang dinevelop ng dalawang kompanya.
Nitong Lunes nang magsimula ang COVID-19 vaccination ng Britany sa mga residente nito gamit ang bakuna ng Pfizer at BioNTech.
-
Karagdagang supply ng COVID vaccines para sa NCR, mid-July pa darating – Mayor Olivarez
Sa ikalawa at ikatlong linggo pa ng Hulyo posibleng makarating sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ang kanilang karagdagang supply ng COVID-19 (Coronavirus Disease) vaccines. Ayon ito kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na siya ring chairman ng Metro Manila Council (MMC), alinsunod sa pahayag ng Department of Health (DOH). […]
-
Solidarity trial sa COVID-19 vaccine, inuurong sa Disyembre
INIURONG sa Disyembre ng Department of Health (DOH),ang solidarity trial ng COVID19- vaccine sa Disyembre, 2020. Ito ang kinumpirma kahapon ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na unang nagpahayag na sa Nobyembre isasagawa ang solidarity trial sa mga vaccine. Nalaman na tinanggal rin sa clinical trial ang Interferon, habang patuloy na gagamitin ang […]
-
‘Top Gun 2’ Director, Collaborated to Built New Camera System to Film Flying Scenes
TOM Cruise and Val Kilmer return to their roles as Maverick and Iceman, respectively in Top Gun: Maverick. Director Joseph Kosinski (Oblivion) will be directing from a screenplay written by Ehren Kruger (Transformers: Revenge of the Fallen), Erin Warren Singer (American Hustle), and Christopher McQuarrie (Edge of Tomorrow) and the team behind the film built a […]