• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halaga ng piso, 85 sentimo na lang – PSA

TULUYAN nang bumagsak ang purchasing power ng Philippine peso kontra US dollar dahil sa mas tumaas na inflation nitong buwan ng Oktubre.

 

 

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halaga ng piso noong 2018 ay katumbas na lamang ng 85 sentimo noong Oktubre.

 

 

Nitong Hulyo, katumbas pa ito ng 86 sentimo.

 

 

Nakakalkula ang purchasing power ng Philippine peso sa pamamagitan ng paghahati ng “1” sa consumer price index, multiplied by 100.

 

 

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, kung susuriin, ang year-to-date purchasing power ng piso ay nasa 87 sentimo laban sa halagang piso nito noong 2018.

 

 

Isa rin sa itinuturong dahilan sa pagbaba ng halaga ng piso ay ang paghina rin ng ating pananalapi laban sa US dollar.

 

 

Matatandaang inulat ng PSA na bumilis ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bililhin nitong Oktubre.

 

 

Naitala ang inflation sa 7.7 percent kumpara sa 6.9 percent noong Setyembre.

 

 

Ito na ang pinakamabilis na inflation na naitala sa nakalipas na 14 taon.

 

 

Kahit bumilis ang inflation, pasok pa rin naman ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 7.1 hanggang 7.9 percent.

Other News
  • Torralba nakipagbuno na sa ilang manlalaro ng NBA

    MATINDING kompetisyon na rin ang natikman ni Joshua Torralba sa United States  of America kung saan naging trainer siya para sa Rio Grande Valley Vipers team na kumakampanya sa National Basketball Associatin (NBA) G League.     Ipinahayag kamakalawa ng 26-anyos, may taas na 6-2 swingman, na naranasan na niyang makaharap sa hardcourt ang ilang […]

  • Ex-Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso

    NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election.   Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at violation of BP No. 880 ang isinampa […]

  • Athletes na lalahok sa Tokyo Olympics sana mabakunahan muna – IOC

    Target ngayon ng International Olympic Committee (IOC) na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga atletang sasabak sa kompetisyon para matuloy nang ligtas ang Tokyo Games sa darating na Hulyo.   Bagama’t ayaw sumingit ng IOC sa listahan nang kung sino ang dapat na maturukan ng COVID-19 vaccines gaya ng mga napapabilang sa vulnerable sector at health […]