• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban

Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr.

 

 

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 na araw bago ang laban sa American boxer.

 

Aniya, hindi pare-pareho ang rounds ng sparring sessions ni Manny na minsan ay umabot ng 10 rounds.

 

 

Ayon kay Marinduque, halos nasa peak na ang kondisyon ng senador ngunit iniiwasan nina Hall of Famer Coach Freddie Roach at Coach Buboy Fernandez na ma-burn out sa training.

 

 

Dagdag rin nito, sa ngayon nagpatupad ng paghihigpit sa pagpapasok sa Wild Card Gym para makaiwas sa Coronavirus Disease maging ang pagkuha ng mga videos at litrato sa training ni Manny ay ipinagbabawal rin.

 

 

Itinakda ang faceoff ng fighting senator kay Spence sa darating na Agosto 21 o Agosto 22 na sa Pilipinas.

 

 

Samantala, sinabi ni Marinduque na batay sa kasalukuyang betting odds sa Amerika liyamado umano sa ngayon si Errol Spence kontra kay Pacquaio.

Other News
  • 4 na lungsod sa NCR nabakunahan na ang kalahati ng populasyon

    May apat na lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nakalahati na ng kanilang populasyon ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine.     Nangunguna rito ang San Juan City kung saan mayroong halos 70,000 sa populasyon nito o 81.5% sa lungsod ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.     Sumunod ang […]

  • Paggamit ng e-cigar/vapes sa pampublikong lugar, bawal na rin – EO 106

    INILABAS kahapon, Pebrero 28 ng Malacañang ang isang Executive Order (EO) na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes (e-cigar) o vapes at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products.   Ang Executive Order 106 ay nag-aamyenda sa nauna ng EO 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga […]

  • Gilas Pilipinas nasa Bahrain para sa FIBA Asia qualifiers

    Nasa Bahrain na ang Gilas Pilipinas para pakikibahagi ng second round ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.   Pinangunahan nina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Matt at Mike Nieto, Kobe Paras, Javi Gomez de Liano, Justine Baltazar, Juan Gomez de Liano, Dwight Ramos, Will Navarro, Dave Ildefonso, Calvin Oftana at Kenmark Carino.   Tiwala […]