• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 10K pasaway sa GCQ nasakote sa Navotas

UMAABOT na sa 9,714 ang mga dinampot na mga lumabag sa mga patakaran ng General Community Quarantine (GCQ) ayon sa Navotas City Police.

 

Bumida sa mga pasaway ang 5,269 dinampot dahil sa hindi pagsusuot o hindi wastong pagsusuot ng face mask at 3,503 lumabag sa curfew hours.

 

512 naman ang mga hindi sumunod sa social distancing, 512; traffic violators, 322; nakahubad sa kalye, 51; tumatagay sa labas ng bahay, 36; at 21 nagyoyosi sa pampublikong lugar.

 

Kaugnay nito, sinimulan ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang pagpapatupad ng Oplan “Sermon,” na naglalayong turuan ang mga mga magulang o nangangalaga sa mga bata na hinahayaan ang mga paslit na gumala sa kalye sa kabila ng panganib ng COVID-19.

 

Ito ay matapos makatanggap ang pulisya ng mga ulat na may mga bata sa matataong lugar na patuloy sa paglalagunda sa mga kalye at maging sa mga eskinita kung saan lalo silang nagkakadikit-dikit na para bang walang pandemya.

 

Bumuo si Col. Balasabas ng pangkat ng mga pulis na armado ng video camera na magpapatupad ng operasyon at magre-record ng sitwasyon na gagamitin sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga magulang at tagapangalaga na patuloy na sumusuway sa mga alituntunin ng pamhalaan.

 

Ang mga itinalagang pulis na magle-lecture ay sinanay at may taglay na wasto’t sapat na kaalaman sa mga akmang ordinansa sa ilalim ng GCQ, maging sa mga tamang hakbang kung paanong dapat gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak. (Richard Mesa)

Other News
  • Bentahe ang teritoryo: Brandon Vera, idedepensa ang titulo sa

    NAKATAKDANG idepensa ni Filipino-American mixed martial arts fighter Brandon Vera ang kaniyang ONE heavyweight world title laban kay Canadian athlete Arjan Singh Bhullar na gaganapin sa Mayo 29 sa Mall of Asia Arena.   Si Vera ang babandera sa “ONE Infinity 2” kung saan kasama niya si ONE World lightweight champion Christian Lee, na haharap […]

  • ‘Vaccine security,’ long term plan para sa mga dumarating na sakit’ – NTF

    Ipinupursige na ng pamahalaan ang paglikha ng katulad ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, bilang long term project sa paglaban sa mga lumalabas na sakit.     Ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., sinisikap nilang pagsamahin ang kakayahan ng University of the Philippines […]

  • Scrimmage ipu-push ng PBA sa May 16

    Puntirya ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang scrimmage ng mga teams sa Mayo 16 kung bibigyan ng go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF).     Ito ang isa sa mga tatalakayin sa pakikipagpulong ng pamunuan ng liga sa local government unit sa Batangas na magsisilbing training venue ng ilang PBA teams.     […]