• April 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 11,300 katao naapektuhan ng hagupit ng Typhoon Betty — NDRRMC

LIBU-LIBO na ang naapektuhan ng Typhoon Betty sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas, ito habang patuloy na nasa ilalim ng Signal no. 2 ang Batanes at ilang bahagi ng Cagayan.

 

 

“A total of 2,859 families or 11,264 persons were affected,” wika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Martes.

 

 

“Of which, 877 families or 3,483 persons were served inside 21 [evacuation centers] and 112 families or 381 persons were served outside ECs.”

 

 

Nanggaling sa mga sumusunod na lugar ang mga naturang residente:

Cagayan Valley: 793

Central Luzon: 5,361

Western Visayas: 5,069

Cordillera Administrative Region: 41

 

 

Huling naobserbahan ang mata ng bagyong Betty sa layong 350 kilometro silangan ng Basco, Batanes kaninang 4 a.m. ayon sa PAGASA.

 

 

Wala pang datos sa ngayon pagdating sa halaga ng napinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura at imprastruktura.

 

 

Sa kabila nito, nasa 254 bayan at lungsod na ang nag-anunsyo ng pagsususpindi ng mga klase. Nasa 80 bayan at lungsod naman na ang nagdeklara ng work suspension.

 

 

“A total of 5,4888 persons from Region 2, Region 3, MIMAROPA, Region 6, Region 7 were pre-emptively evacuated,” dagdag pa ng NDRRMC.

 

 

Sa kabutihang palad, wala pang naitatalang sugatan, nawawala o namatay dulot ng bagyo sa kabila ng mga pagbahang naitala sa Region 6. Isang bahay naman sa Gitnang Luzon ang sinasabing bahagyang napinsala ng sama ng panahon.

 

 

Nakapamahagi naman na ng ayudang nagkakalagang P1.89 milyon sa ngayon nasalanta sa ngayon sa porma ng tubig, family food packs, pera, hygiene kits, pagkain, atbp. dagdag ng konseho.

 

 

Tinataya ng PAGASA na sa Biyernes pa makalalabas ng Philippine area of responsibility ang Typhoon Betty, habang nakikitang hihina ito patungong tropical storm category pinakamaaga sa Huwebes. (Daris Jose)

Other News
  • Sasamantalahin na mamasyal at mag-shopping… BARBIE, ‘di magtatagal sa Chicago dahil may movie silang gagawin ni DAVID

    IPINAGTAPAT ng lead star ng first-ever figure skating drama na ‘Heart on Ice’, na si Ashley Ortega, na dream-come true sa kanya ang teleserye.     “Three years old pa lamang ay nahilig na po akong mag-training nito at nagsimula na rin akong mag-join ng competitions sa Thailand, China, Japan at Malaysia.  Nakaipon na rin po ako, […]

  • 4 na malalaking kumpanya interesado sa NAIA rehab

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na may apat (4) na kumpanya ang interesado sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     “So far, there was the Manila International Airport Consortium, that’s number one. There was San Miguel Corporation which also purchased bidding documents, and GMR. The fourth one, I have to confirm which […]

  • PDP-Laban faction na suportado ni PDu30, in-adopt si Mayor Sara bilang VP bet

    IN-ADOPT ng PDP-Laban faction na suportado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang anak ng huli na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang vice presidential bet ng partido para sa May elections.     Nauna nang sinalungat ni Pangulong Duterte ang pagtakbo ng kanyang anak bilang bise-presidente, kahit pa nanguna ito sa surveys bilang kanyang […]