• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HALOS 1K DRIVER’S LICENSES NG MGA “PASAWAY” NA MOTORISTA NI-REVOKED NG LTO SA TAONG 2024

HALOS 1,000 driver’s licenses ng mga “Pasaway” na motorista ang ni-revoked ng Land Transportation Office (LTO) sa 2024 dahil sa iba’t ibang paglabag, karamihan dito ay kaugnay ng pagmamaneho habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

 

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, kabilang sa mga binawing lisensya ang sa mga driver na sangkot sa mga viral video na na-monitor ng social media team ng ahensya o nai-report ng mga netizen sa LTO.

 

“May kabuuang 984 na lisensya ang binawi sa 2024. Lahat po ng mga ito ay dumaan sa tamang proseso ng due process,” ani Asec Mendoza.

 

“Bahagi rin ito ng ating agresibong kampanya para maipatupad ang disiplina at responsableng pagmamaneho bilang suporta sa adbokasiya sa kaligtasan sa kalsada ng ating DOTr Secretary Jaime J. Bautista,” dagdag niya.

 

Batay sa datos ng LTO, sinabi ni Asec Mendoza na 736 na lisensya ng driver ang binawi dahil sa mga paglabag sa Republic Act 10586 (Anti-Drunk and Drugged Driving Act), kabilang na rito ang pagmamaneho habang lasing, paggamit ng ilegal na droga o substansya, at pagtangging sumailalim sa mandatory alcohol test sa insidente ng aksidente sa kalsada.

 

Bukod dito, 130 lisensya ng driver ang binawi dahil sa paglabag sa RA 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code, partikular sa mga kwestyonableng paraan ng pagkuha ng lisensya.

 

Samantala, 94 lisensya ang binawi dahil sa paglabag sa mga probisyon ng RA 10930, ang batas na nagpapalawig ng bisa ng lisensya ng driver.

 

Kabilang sa mga paglabag ang pagkakaroon ng dobleng lisensya, pekeng dokumento, at pandaraya sa pagsusulit.

 

Dagdag pa rito, 24 na lisensya ang binawi dahil sa mga viral video sa social media at iba pang reklamo na isinampa sa LTO Central Office.

 

“Umaasa kami na ngayong taon ay mabawasan, o mas mabuti sana’y wala nang mga kasong administratibo na hahantong sa pagbawi ng lisensya dahil layunin ng LTO na maitaguyod ang pagiging responsable at disiplinado ng lahat ng motorista habang gumagamit ng ating mga kalsada,” pahayag ni Asec Mendoza.

 

“Ngunit magsilbing babala rin ito na handang suspendihin o bawiin ng LTO ang anumang lisensya kung kinakailangan para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada. Kaya magtulungan po tayo,” dagdag pa niya.

 

Naunang iniulat ng LTO na umabot sa 639,323 motorista ang nahuli sa iba’t ibang paglabag, habang 29,709 na sasakyan naman ang nakumpiska noong 2024. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Magandang birthday gift sa Kapuso actress: BARBIE, nanalo na naman ng Best Actress dahil sa pagganap bilang Klay

    NAGING isang magandang birthday gift kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza last July 31, ang patuloy niyang pananalo ng acting awards sa pagganap niya as Klay sa “Maria Clara at Ibarra” na kasama niya sina Dennis Trillo, Julie Anne San Jose at David Licauco.      On Instagram, Barbie posted a photo of her Best […]

  • JOVIT, nais pa ring makuha ang anak mula sa ex-girlfriend na nadadawit ngayon sa scam

    ANO ba yan? Uso na ba ngayon ang mag-delete ng post at followers sa social media?        Pagkatapos umamin sa kanilang relasyon, nagulat ang netizen sa biglang pag-unfollow ni Kiko Estrada sa Instagram account ni Heaven Peralejo.   Hindi lang si Heaven, kundi lahat ng pina-follow ni Kiko ay deleted na.   Pati na […]

  • Ads November 24, 2023