• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 216,000 na ang naturukan ng COVID-19 vaccine – gov’t

Umakyat pa sa 215,997 ang kabuuang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccine sa buong Pilipinas.

 

 

Sa datos na inilabas ng Department of Health at National Task Force Against COVID-19, ito rin ay 38% ng kalahati ng mahigit 1.1-milyong doses na dumating na sa bansa sa kasalukuyan.

 

 

Nasa 929 vaccination sites na ang nagsasagawa ng COVID-19 vaccination sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Umabot na rin daw sa 96% ang mga naipamahaging doses ng bakuna kung saan naabot na rin umano ang mga kadulu-duluhang isla.

 

 

Ang mga rehiyon namang may pinakamataas na vaccine coverage ay ang Region 10, Metro Manila, at Region 2.

 

 

Nasa 90.25% o 17,780 ng kanilang 19,700 doses ang naiturok ng Northern Mindanao; may 68.77% coverage o 95,892 ng 139,435 doses naman sa Metro Manila; habang 61.39% o 9,816 ng 15,990 doses ang naiturok sa Cagayan Valley.

 

 

“Current deployment is limited to Priority Group A1 or frontline healthcare workers who were given the option between CoronaVac or AstraZeneca vaccines,” saad ng gobyerno.

 

 

“The vaccination of healthcare workers is being done in batches to ensure adequate staffing in health facilities in light of possible adverse events.”

 

 

Tiniyak naman ng pamahalaan na mas bibilis pa ang vaccination sa bansa sa oras na dumating na ang bulto ng mga bakuna para sa mga susunod na priority groups.

Other News
  • Pagkuha ng student driver’s license, huwag negosyo ipairal

    KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng Abril, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay daraan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency.   Sa plano rin ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang […]

  • ‘Walang patawad, areglo sa korap’- Duterte

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papatawarin at hindi maaaring aregluhin ang mga kaso ng korapsiyon.   Ayon sa Pangulo, ka-tulad ng droga, walang dapat pinapaboran pagdating sa korapsiyon dahil galit siya sa mga nasabing isyu.   “I do not forgive cases sa mga corruption. Wala talaga. Walang areglo, wala lahat. No quarters […]

  • Mga dayuhan na may long-term visa, papayagan nang pumasok ng Phl simula Agosto 1

    Simula sa unang araw ng Agosto ay papayagan na ng Inter-Agency Task Force na pumasok sa bansa ang mga foreign nationals na mayroong long-term visa.   Ibig sabihin nito ay hindi makakapasok ang mga indibidwal na bago pa lamang ang visa.   Ito ay bilang isa sa mga hakbang ng gobyerno upang muling buhayin ang […]