• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 26-M Pilipino fully vaccinated na vs COVID-19 – Malacañang

Humigit kumulang 26 million Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hanggang noong Oktubre 25 ay kabuuang 56,254,529 doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok.

 

 

Sa naturang bilang, 30,298,860 dito ang first dose habang 25,955,669 naman ang second dose.

 

 

Kabuuang 538,836 doses naman ng COVID-19 ang naiturok sa buong bansa kahapon lamang, ayon kay Roque.

 

 

Samantala, sa Metro Manila, sinabi ng opisyal na mahigit 17.6 million doses ng COVID-19 vaccines ang naituturok na.

 

 

Sa ngayon, 95 percent aniya ng mga residente sa Metro Manila ang nabigyan ng first dose, habang 85.79 percent naman ang fully vaccinated. (Daris Jose)

Other News
  • May 2022 polls ‘pinaka-matagumpay- DILG

    ITINUTURING ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na “pinaka-matagumpay” ang katatapos lamang na national ay local elections sa bansa.     Binasura ng DILG ang pag-iingay ng iilan na nagkaroon ng electoral fraud at iba pang uri ng dayaan.     Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na ang alegasyon […]

  • Miss na miss nang mag-shooting kasama sina Alden: SHARON, pinagpapahinga ng doctor at bawal munang magsalita

    ILANG araw na ngang masama ang pakiramdam ni Megastar Sharon Cuneta kaya natigil muna siya pagsho-shooting ng pelikula nila ni Alden Richards, na pasok nga sa eight entries sa Metro Manila Film Festival 2023.     Sa Instagram post ni Sharon, pinagpapahinga nga siya ng doktor at hangga’t kaya ay bawal muna siyang magsalita.   […]

  • Tabal sumuko na sa 32nd Summer Olympic Games

    TAAS kamay na si 2016 Rio de Jainero Olympian marathoner Mary Joy Tabal sa iniurong sa darating na Huly 23-Agosot 8 dahil sa COVID-19 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.     Ito ang binunyag ng 30th  Southeast Asian Games Philippines 2019 silver medalist at dating pambato ng Philippine Athletics Track and […]