Halos 300 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Valenzuela
- Published on March 15, 2022
- by @peoplesbalita
HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw.
Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:20 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy., Arkong Bato.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan kaya’t agad inakyat ang sunog sa ikalawang alarma kung saan i-deneklara ng BFP na fire under control dakong alas-7:04 ng umaga.
Dakong alas-2:04 naman ng hapon nang ideklarang fire out ang sunog habang wala naman napaulat na nasaktan o nasawi sa inidente at inaalam pa kung magkano ang naging pinsala at anu ang pinagmulan ng naturang insidente.
Kaagad namang nagpadala si Mayor Rex Gatchalian ng rescue tea, social workers, at medical teams sa lugar para tulungan ang apektadong mga residente.
Nagtayo rin ang Pamahalaang Lungsod ng mga modular tents, mobile showers, at mobile kitchens, pati na rin ang pansamantalang tirahan ng mga alagang hayop sa mga evacuation sites sa Arkong Bato National High School at PR San Diego Elementary School kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima ng sunog.
Namahagi rin si Mayor Rex ng family comfort packs, hygiene kits, food packs at magbibigay din ng financial assistance ang pamahalaang lungsod sa mga susunod na araw.
Inilatag naman ni Mayor Rex, Vice Mayor Lorie at mga konsehal ang long-term solution na gagawin ng pamahalaang lungsod kung saan isasaayos ang subdivision plan ng Sagip St. at sisiguruhing may maayos itong daanan para sa mga tao at sasakyan. (Richard Mesa)
-
Magiging host din ng isang reality show: RS, may movie kasama ang Superstar at National Artist na si NORA
AYAW sana ni RS Francisco na tanggapin ang offer ng AQ Prime na mag-host ng reality show. Kaya naisip niya na kausapin muna si Atty. Aldwin Alegre para siya mismo ang magsabi na ayaw niya. Pero matapos nilang mag-usap ay nakumbinsi siya na gawin ang reality show. Tinanggap din […]
-
Masaya na nag-uusap na sila ng anak: DENNIS, gustong maihatid sa altar o ma-witness kapag ikakasal na si JULIA
KINUMPIRMA mismo ni Dennis Padilla na nag-uusap na sila ng kanyang anak na si Julia Barretto. Sa grand presscon ng romantic-comedy film na ‘When Magic Hurts’ starring Beaver Magtalas and Mutya Orquia last Saturday, sinabi ng aktor na nag-reach out si Julia noong birthday niya last Feb. 9, sa pamamagitan ng short text […]
-
Pinas, suportado ang UN Security Council ukol sa planong tigil-putukan sa Gaza
PINURI ng Pilipinas ang resolusyon ng United Nations Security Council na sumusuporta sa three-phase ceasefire plan sa Gaza strip. Sinabi ng Department of Foreign Affairs na muling pinagtibay ng UN Resolution S/RES/2735 ang commitment ng UN sa kapayapaan at katatagan at ang bansa ay committed na magbigay ng kinakailangang pagsisikap para tumulong […]