Halos 39K katao apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Mayon
- Published on June 21, 2023
- by @peoplesbalita
AABOT sa halos 39,000 katao ang apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Mayon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 20,000 residente ang kasalukuyang nasa 28 evacuation centers sa Albay simula pa nang magpakita ng paggalaw ang Mayon.
Nasa anim na lungsod at bayan ang nagdeklara ng suspensiyon ng kanilang mga klase.
Nagpaabot na rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong residente na umaabot sa P62 milyon.
Una na ring sinabi ng Phivolcs na tatagal pa ng ilang buwan ang pag-aalboroto ng Mayon na ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 3.
-
PBBM, muling inimbitahan na bumisita sa France
MULING inimbitahan ni French President Emmanuel Macron si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsimula ng kanyang state visit sa France. Ang imbitasyon ni Marcos ay ipinaabot ni newly-designated French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel nang mag-prisenta ang huli ng kanyang credentials kay Pangulong Marcos sa isang seremonya sa Reception Hall ng […]
-
Arkong Bato Park sa Valenzuela City, bukas na
PINANGUNAHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian, kasama sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, City Councilors, Arkong Bato Punong Barangay at Council ang ribbon-cutting ng bagong gawang Arkong Bato Linear Park sa Marcelo H. del Pilar Street, Barangay Arkong Bato, Valenzuela City. Magtagumpay din naibalik ang monumento ni Kapitan Delfin […]
-
Dengue, leptospirosis, TB mas delikado na kaysa COVID-19
MAS DAPAT mabahala ngayon ang mga Pilipino sa dengue, leptospirosis at iba pang sakit kaysa COVID-19 dahil mas nakamamatay na ito ngayon lalo ngayong pagtama ng tag-ulan sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Sa kasalukuyan, ikinatwiran ni Health Secretary Teodoro Herbosa na mas mababa na ang bilang ng tinatamaan ng COVID-19 […]