Halos 50 unutilized Dalian train, isiniwalat ng COA
- Published on July 19, 2023
- by @peoplesbalita
ISINIWALAT ng Commission on Audit ang Department of Transportation para sa 48 hindi nagamit nitong Dalian train na binili walong taon na ang nakalilipas para sa MRT-3.
Isinaad ng mga auditor ng gobyerno sa 2022 audit report sa DOTr na ang mga tren na nananatiling hindi operational ay bahagi ng P3.7 billion na kontrata.
Nabatid na ang idle status ng mga tren ay dahil sa hindi pagkumpleto ng panukalang Way-Forward Plan gayundin sa pagsubok, pag-commissioning at huling pagtanggap ng Light Rail Vehicles o LRVs.
Inalala sa audit report noong 2014, pinasimulan ng pamunuan ng DOTr-MRT-3 ang mga proyektong pataasin ang linya at kapasidad ng tren sa 800,000 pasahero kada araw para ma-decongest ang sistema.
Binanggit din sa audit report na kailangan pa ring sumunod ng CRRC Dalian sa mga technical issue tulad ng Tare Weight at Depot Maintenance Equipment Compatibility.
Inirerekomenda ng audit team na dapat simulan ng DOTr Office of the Secretary ang mga follow-up sa CRRC Dalian at mabilis na subaybayan ang pagkumpleto ng Way Forward Plan. (Daris Jose)
-
Nakararanas ng hirap sa mga isinasagawang response effort sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad dahil sa patuloy na banta ng Covid-19
PUMIYOK si National Disaster Risk Reduction & Management Council Executive Director USec Ricardo Jalad na hirap ang kanilang sitwasyon ngayon kung saan maliban sa sinusuong na pandemya ay sumabay pa ang paghagupit ng bagyo sa ilang bahagi ng bansa. Sa Laging handa public press briefing at sinabi ni Jalad na may mga evacuation centers […]
-
Higit 800 barangays recipient sa P16.4-B Barangay Development Program ng gobyerno
NASA 822 barangays na dating NPA infested areas ang na- cleared na ngayon ng government forces ang recipient sa P16.44 Billion pondo na ilalaan ng gobyerno para sa Barangay Development Program (BDP). Ayon kay National Security Adviser, Sec. Hermogenes Esperon Jr. ang mga nasabing barangays ay mga dating lugar na target ng operasyon ng […]
-
SHARON, puring-puri si Direk DARRYL at ni-reveal na isa pang movie na pagsasamahan
LAST week, masayang pinasilip ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Youtube channel (Sharon Cuneta Show) ang part 1 ng behind-the-scenes ng latest movie niya sa Viva Films ang Revirginized. May caption ito ng, “So excited for my new movie #Revirginized to come out this May on VivaMax! Here’s a little peek on our […]