• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 5K Batang Kankaloo, nakinabang sa libreng health services sa Caloocan

HALOS 5,000 residente ang nakinabang mula sa mga libreng serbisyong pangkalusugan na inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan bilang bahagi ng mga aktibidad ng pagdiriwang ng ika-63 Cityhood Anniversary..

Sinimulan ng administrasyon ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang buwan sa pamamagitan ng libreng Medical & One-Stop Shop Community-Based Health Services, na nagsilbi sa halos 1,200 indibidwal.

Samantala, ang Caloocan City Medical Center (CCMC) at ang Caloocan City-North Medical Center (CCNMC) ay nagsagawa ng isang linggong libreng serbisyong medikal, kung saan ang pinagsamang bilang ng halos 3,500 indibidwal ay nag-avail ng mga serbisyong medikal, tulad ng pagpaplano ng pamilya, ob-gyne, at sexually-transmitted disease (STD) screening, dental services, ultrasound and mammogram services, electrocardiogram (ECG), at complete blood count (CBC).

Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Mayor Along sa mga doktor, nars, at health workers, gayundin sa buong komunidad ng CCMC at CCNMC sa pagsunod sa mga direktiba ng kanyang administrasyon sa paggawa ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

“Nagpapasalamat tayo nang lubos sa CCMC, CCNMC, at sa lahat ng mga health worker sa ating lungsod na naging malaking dahilan kung bakit matagumpay ang inisyatibang ito at sa pagtulong sa atin na patuloy na ipakitang deserve ng mga Batang Kankaloo ang libre at de-kalidad na serbisyo medikal,” pahayag ng alkade.

Pinaalalahanan din niya ang lahat na ang tunay na diwa ng Cityhood Anniversary ay tunay na serbisyo publiko, na ipinamalas ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa kalusugan at kapakanan ng mga nasasakupan nito.

“Ang pagdiriwang po natin ngayong buwan ay hindi lamang upang gunitain ang Caloocan Day, kundi ipakita na ang buo ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng mga kailangan ng mga mamamayan,” ani Mayor Along.

Maliban dito, regular ding nagsasagawa ang lungsod ng libreng chest X-ray services para sa Tuberculosis (TB) Caravan, pagbabakuna laban sa mga nakakahawang sakit, at maging sa Sagip Mata operations. (Richard Mesa)

Other News
  • Kinaligiwan ng netizens ang photos ni Baby Aurora: ALFRED, nagpa-face reveal na sa ika-apat na anak nila ni YASMINE

    SA Instagram account nila, may pa-face reveal na nga mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine Espiritu sa kanilang fourth baby na si Aurora Sofia.     Super cute ang pictorial photo nang natutulog na anak habang nakabalot sa blanket at may suot na headband na mga flower.     Caption nila sa naturang IG post, “To […]

  • Mahigit 10 libong residente napagkalooban ng financial assistance ni Konsehala Aiko Melendez

    UMABOT sa 10,500 residente ng Quezon City ang napagkalooban ng financial assistance na naibaba sa pamamagitan ni District 5 Councilor Aiko Melendez.     Bukod sa financial assistance, nakapagbaba rin katumbas ng P20 million medical assistance sa pamamagitan ng Guarantee Letters si Melendez na kamakailan ay ginawaran ng “National Outstanding Humanitarian and Leadership Service”. Kasama […]

  • Ads September 23, 2020