Halos 60K Pinoy nagbenepisyo sa P400 milyong medical assistance – PCSO
- Published on May 18, 2023
- by @peoplesbalita
IBINAHAGI ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi bababa sa 60,000 Pilipino ang nakinabang sa mahigit P400 milyon na inilabas ng ahensya sa tulong medikal sa unang quarter ng 2023.
“Nasa 60,779 kababayan natin ang natulungan sa kanilang gastusing pang-medikal, na umabot sa P410,427,957.55 na inilabas ng PCSO sa pamamagitan ng Medical Access Program,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua.
“Asahan po ninyo na tuluy-tuloy lang ang PCSO sa adhikain nitong matulungan ang sambayanang Pilipino. Paiigtingin pa natin ang serbisyo para mas marami pang kababayan natin ang makinabang,” dagdag pa ni Cua.
Ayon sa PCSO, ang Medical Access Program (MAP) ay sumasaklaw sa iba’t ibang mga request para sa fund augmentation para sa mga medical concerns tulad ng confinement, dialysis injection, paggamot sa kanser, hemodialysis, laboratoryo, diagnostic, at mga imaging procedures, gayundin sa implant at mga medikal na kagamitan, atbp.
Anila, ang MAP ay kinuha mula sa Charity Fund na binubuo ng 30 porsiyento ng mga net receipt, at eksklusibong ginagamit upang pondohan at suportahan ang mga programang pangkalusugan, tulong medikal, mga serbisyo, at mga kawanggawa na may national character.
Ang PCSO ay kumakalap ng mga pondo sa pamamagitan ng mga sweepstakes, karera ng kabayo, lottery at mga kahalintulad na aktibidad.
Nagpahayag si Cua ng positibong pananaw na ang ahensya ay makakapaglingkod sa mas maraming Pilipino ngayong taon at lalampas sa mga numerong naitala nito noong 2022 kung saan nakapaglabas ang PCSO ng P1,395,310,206.43 sa 210,731 benepisyaryo.
-
DILG, kinumpirma ang intel ukol sa plano na guluhin ang inagurasyon ni Bongbong Marcos
KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang intelligence reports kaugnay sa di umano’y plano na guluhin ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Tiniyak ng DILG na nakahanda ng ang mga pulis na tugunan ang mga pagbabanta. Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na […]
-
Hindi na ‘pichi-pichi’ ang mga kalaban sa SEAG- Barrios
NAKITA sa nakaraang 31st Southeast Asian Games na hindi na basta-basta ang mga kalaban ng Gilas Pilipinas. Yumukod ang mga Pinoy cagers sa Indonesia, 81-85, sa gold medal round ng Vietnam SEA Games kung saan nagwakas ang 13 sunod na paghahari ng Pilipinas at ang 33 taong pagdomina sa biennial event. […]
-
PNP, walang nakikitang dahilan para bawiin ang suporta at katapatan sa Marcos Jr. administration
WALANG nakikitang dahilan ang Philippine National Police na bawiin ang suporta at katapatan ng buong hanay ng Pambansang Pulisya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo kasunod pa rin ng naging panawagan ni Davao del Norte rep. Pantaleon Alvarez sa […]