Halos 8.5 million mananakay, naserbisyuhan ng libreng sakay ng MRT-3 sa unang buwan ng programa.
- Published on May 4, 2022
- by @peoplesbalita
AABOT sa halos 8.5 million mananakay ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 sa unang buwan ng program.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3 na nasa kabuuang 8,472,637 ridership mula Marso 28 hanggang Abril 30.
Nakitaan ng 27.8% na pagtaas ang average number ng mga pasaherong sumasakay sa MRT-3 tuwing weekdays matapos na ilunsad ang naturang programa.
Umaabot sa 241,800 ang weekly average ng mga pasahero mula Marso 1 hanggang 27 at tumaas ng 309,013 ang bilang ng mga pasahero mula Marso 28 hanggang Abril 30 ng kasalukuyang taon.
Naitala naman ang highest single-day ridership noong April 8 na nasa 335,993 passengers.
-
Ads August 27, 2020
-
LIBRENG MASS TESTING PINAPAOBLIGA SA SC
PINAPAOBLIGA ng 11 indibidwal sa Supreme Court (SC) ang gobyerno na magpatupad ng libreng mass testing sa COVID19. Sa pamamagitan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), hiniling ng mga petisyuner na palakasin ang contact tracing ,mabilisang pag contain ng virus at i-improve ang laboratory testing capacity. “The omission of proactive and efficient mass testing […]
-
Alert Level 4 makakatulong sa pagpapababa ng mga naitatalang bagong COVID-19 infections
KUMBINSIDO ang OCTA Research group na makakatulong sa posibleng pagpapababa ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ang paglalagay sa buong bansa sa ilalim ng mas mahigpit na Alert Level 4. Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, kalakip kasi ng deklarasyon na ito ay ang pagpapababa sa pinapayagang capacity ng mga establisimyento. […]