• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hanga sa co-actor at gustong makasama uli: JAKE, tinapatan ang tapang nina Direk JOEL at SEAN sa ‘My Father, Myself’

NAKALAYA na sa kulungan ang actor/TV host na si Vhong Navarro!

 

 

Martes ng gabi, December 6, 2022, naglabas ang Taguig Regional Court Branch 69 ng order of release kay Vhong

 

 

Sa release order na pirmado ni Judge Loralie Cruz Datahan, nakasaad ditong nakapaglagak na ng isang milyon pisong (P1M) piyansa si Vhong kaya maaari na siyang palabasin mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Male Dormitory sa Taguig City.

 

 

Nakasaad sa release order ni Vhong ay…

 

 

“You are hereby directed to release from custody accused FERDINAND “VHONG” HIPOLITO NAVARRO for having filed the necessary cash bond in the amount of ONE MILLION PESOS (Php1,000,000) under Official Receipt No. 9022573 dated 06 December 2022, which cash bond is APPROVED by this court for his provisional liberty.

 

 

“This order is for the above-entitled case only and insofar as there exists no order in any other case to effect that he remain confined under your custody.”

 

 

Sa panayam sa misis ni Vhong na si Tanya Bautista ng ABS-CBN News…

 

 

“Sobrang, sobrang happy. It’s going to be a blessed Christmas, di ba? A very good Christmas for the family.

 

 

“We were granted bail and we are so thankful.”

 

 

Si Tanya ang sumundo kay Vhong sa piitan.

 

***

 

 

TINAPATAN raw ni Jake Cuenca ang tapang ni Joel Lamangan sa pelikulang My Father, Myself.

 

 

Mapangahas kasi ang tema ng kanilang pelikula kaya kailangang matapang ang mga taong gagawa nito tulad nga nina direk Joel at Jake at si Sean de Guzman na kasama rin sa naturang 2022 Metro Manila Film Festival entry.

 

 

Ayon kay Jake, matapang si Sean dahil baguhan pa lamang ay sumalang na agad sa mga mapangahas na papel.

 

 

Kinumpara pa nga ni Jake ang kanyang sarili kay Sean, noon raw na nagsisimula sa showbiz si Jake ay sa isang youth-oriented show muna inilagay, ang CLICK, na pareho nating mahal, my dear editor Rohn Romulo dahil pareho tayong naging publicist noon ng naturang GMA show.

 

 

Sabi pa ni Jake, si Sean raw ay parang biglang inihagis sa swimming pool at hinayaang matutong lumangoy on his own.

 

 

Kaya sobrang impressed si Jake kay Sean at minsang ka-text raw niya ang baguhang aktor ay sinabi niya ditong sana ay muli silang magkasama sa isang proyekto, this time sa isang less challenging mainstream film dahil inaasam raw ni Jake na muling makatrabaho si Sean.

 

 

Sa ilalim ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network at sa panulat ni Quinn Carrillo, kasama nina Jake at Sean sa pelikula na ipapalabas sa December 25 sina Dimples Romana, Tiffany Grey at Allan Paule.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Pangulong Marcos ‘di dadalo sa Peace Summit ni Zelenskyy

    IPAPADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconcialia­tion and Unity Carlito Galvez, bilang kinatawan ng Pilipinas sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland.         Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO), subalit hindi naman tinukoy kung bakit hindi makakadalo si Pangulong Marcos sa naturang summit.       […]

  • DOTr nilinaw na walang budget para sa Libreng Sakay sa taong 2023

    NILINAW  ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Marke Steven Pastor na hindi nakatanggap ng alokasyon sa 2023 budget ng ahensya ang pagpapatuloy ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa susunod na taon at magbigay ng insentibo sa mga driver at operator ng public utility […]

  • PSA, inilunsad ang Philsys Institutional Registration sa Bulacan para sa mga kawani ng gobyerno

    LUNGSOD NG MALOLOS –Upang mapadali ang pag-access sa national identification system ng mga kawani ng gobyerno, inilunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Philsys Institutional Registration sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na “#DutyFirst Kapitolyo, Rehistrado” sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon.     Ang Philippine Identification System o Philsys ay ang central identification platform ng gobyerno na naglalayong magtatag […]