Hangang-hanga at napa-thumbs up si COCO sa ‘Topakk’: ARJO at JULIA, puwede ng tawagin na Action King and Queen ng bagong henerasyon
- Published on December 21, 2024
- by @peoplesbalita
NATANONG ang aktres at producer na si Sylvia Sanchez kung bakit naging ganun kalakas ang loob nila nang ipasok ang ’Topakk’ na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes sa 50th MMFF.
Sa radio interview sa kanya ni DJ Jhai Ho, “ang nagpatapang sa akin ay ang mismong material. Ganun kalakas ang loob ko, ang movie na ito ang magbubukas sa mga mata nating lahat na, kailangan pala rating intindihin ang bawat isa.
“Diretsahan din na nag-level up ang action dito. Of course, iba ang action noon, ibang generation. Pero ngayong Gen Z of Gen Alpha, ito ‘yun action na para sa kanila. Meron pa ring suntukan pero kakaiba, dahil iba ang atake ng pelikula at iba ang acting ng mga artista .
“Kahit nag-aaksyon sila, ang puso nila nandun pa rin.”
Pag-amin pa ni Ibyang tungkol sa naging collaboration nila ni Direk Richard Somes, “si Direk Somes, sabi niya sa akin, ’Tita tulungan mo ako dito, kasi ikaw yun may puso sa mga eksena, ikaw kasi ang nasa teleserye. Ako kasipagan wala akong puso, puro ako aksiyon.’
“So, nag-collab kami dun and Direk Will (Freedom) also pagdating sa drama. Kailangan kasi may drama at kung saan kakapit ang manonood, doon kami nagkasundo.”
At base nga sa mga nakapanood at movie reviewer, isa ang ’Topakk’ sa best movie na entry 50th MMFF, na hopefully marami talaga ang makapanood sa pagsisimula sa December 25.
At abangan din ang pasabog nilang festival float sa ‘Parada ng mga Bituin’ ngayon hapon na mag-iikot sa kahabaan ng Maynila.
***
SAMANTALA, hangang-hanga talaga at napa-thumbs up si Coco Martin nang mapanood niya ang ‘Topakk’ na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes sa matagumpay na grand premiere night nitong December 19 sa Gateway Cineplex Cinema 11.
Nagsisimula na ang hard action movie na may puso nang dumating si Coco, na tama lang naman, para hindi siya makaagaw ng atensyon habang rumarampa ang cast ng ‘Topakk’.
After ng movie, sa short interview kay Coco, kitang-kita na masayang-masaya siya sa napanood lalo na sa mga action scenes nina Julia at Arjo.
Sey ng Primetime King, “barakong-barako, lalaking-lalaki ang labanan, may pelikula silang aabangan kung gusto nila ng hard action.
“Para sa akin nga, nag-upgrade ang movie, para talagang pang-international ang talaga. Kaya nakaka-proud si Direk Richard Somes, kay Arjo, kay Julia at sa buong cast, ang gagaling nilang lahat.”
At dahil sa ’Topakk’ safe na ngang sabihin na sina Arjo at Julia ang bagong Action King and Queen ng bagong henerasyon, lang beses pinalakpan sa matitinding action scenes nila
At sa pinakitang husay ni Julia sa pag-a-aksyon, next year ay gagawan ng follow up movie si Julia ng Nathan Studios Inc., at posible nga na ang actress/producer na si Sylvia Sanchez ang gumanap na ina sa binubuong action movie.
Anyway, spotted and all out support ang mga stars sa naganap na celebrity premiere night ng ’Topakk’ sa pangunguna ni Diamond Star Maricel Soriano at Lorna Tolentino.
Nandun din sina Rosanna Roces at iba pang cast ng ‘Batang Quiapo’, Ice Seguerra and Liza Diño, Franco Laurel, Boy Toyo, magkapatid na Ria at Gela Atayde (na kasama rin sa Nathan Studios), at siyempre si Maine Mendoza, na from day 1 ng action movie ay naka-suporta na kay Arjo.
***
IHANDA na ang popcorn dahil swak sa pamilyang Pilipino ang epikong paglalakbay ng hari ng kagubatan na si “Mufasa: The Lion King,” ng Disney, na rated G ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ibig sabihin, pwede ito para sa lahat ng manonood.
Ang kwento ng katapangan at pagmamahal ni Mufasa ay maaari ring mapanood sa mas mataas na kalidad ng palabas tulad ng IMAX at 4DX.
Isa pang pampamilyang palabas ay ang “Love Live! Nijigasaki High School Idol Club,” na rated G din. Ito’y tungkol sa pagkakaibigan, sariling paglago, at mga eksena tungkol sa pagtatanghal sa paaralan.
Ayon sa MTRCB, tiyak na magugustuhan ng pamilyang Pilipino at ng mga bata ang mga pelikulang ito dahil sa istorya at kapupulutang aral pampamilya.
Para sa mga naghahanap ng aksyon, sakto ang “Werewolves” na rated R-13 o para sa mga edad 13 at pataas.
Paalala ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang at nakatatanda na ang mga angkop na klasipikasyon ng bawat pelikula ay kanilang mga gabay para matiyak na akma sa batang manonood ang pelikulang panonoorin.
“Bilang isa sa tagahanga ng pelikulang Lion King, totoong mahiwaga ang iyong mararanasan matapos mong mapanood ito, dahil sa pakikipagsapalaran ni Mufasa na sinabayan pa ng mga epikong tugtugin,” sabi ni Chair Sotto-Antonio.
Pinapayuhan niya ang mga magulang at guardians na gabayan ang mga kasamang bata sa panonood at tulungan silang maintindihan ang mensahe ng pelikula habang tinuturuan silang maging responsableng manonood.
(ROHN ROMULO)
-
TRAILER FOR “FLY ME TO THE MOON,” STARRING SCARLETT JOHANSSON AND CHANNING TATUM,” LAUNCHED
THE whole world will be watching. Watch the trailer for Fly Me to the Moon, a new comedy drama starring Scarlett Johansson and Channing Tatum, directed by Greg Berlanti. Only in cinemas July 2024. Watch the trailer: https://youtu.be/Hw3x7kaOeHk About Fly Me to the Moon Starring Scarlett Johansson and Channing Tatum, FLY ME TO THE […]
-
Airport security chief pinagbibitiw sa pwesto ni Speaker Romualdez
HINILING ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibitiw sa pwesto ni retired PNP General Mao Aplasca na siyang hepe ng Office of Transport Security. “I am advising the OTS chief: submit your courtesy resignation before the House of Representatives tackle the budget of your office. Mag-resign ka na. Kung hindi ka magsa-submit ng […]
-
Ads June 16, 2023