• March 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hangang-hanga kaya nagpa-picture sa photo nito sa Norway: BELA, tila may pa-tribute sa Nobel Peace Prize awardee na si MARIA RESSA

TILA binigyan ng tribute ng aktres na si Bela Padilla ang controversial pero Nobel Peace Prize awardee na si Maria Ressa.

 

 

 

Nasa Norway si Bela ngayon kunsaan, mag-iisang taon na siyang naninirahan sa Europe. Pero nitong Philippine Independence Day, isa si Bela sa nag-perform para sa mga Pinoy sa Norway.

 

 

 

Nagpa-picture si Bela sa photo ni Maria Ressa at ipinost niya sa kanyang Instagram stories with caption na, “Philippine Independence Day in Oslo. Proud to see @maria_ressa’s photo outside the Nobel Peace Center everytime I passed by the building.

 

 

 

“I’d take photos with her… but this is my favorite! I just emerged from the sea and I felt hopeful and positive. Maria Ressa represents us globally and tells the world we should be free to think, speak, ask and demand for all that is right.”

 

 

 

Sa isang banda, kilala si Bela among the local celebrities who really speaks her mind at may stand sa mga isyu ng bansa, even sa pulitika.

 

 

 

***

 

 

 

IPINAPAKITA pa rin ni AiAi delas Alas na unbothered siya sa pagiging persona non-grata sa Quezon City.

 

 

 

Pero ang balita namin, naka-plano na itong umuwi ng bansa dahil aattend daw ng proclamation ng sinuportahang President at Bise Presidente na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

 

 

 

Hindi pa rin masagot ng source namin kung tutuloy pa rin si AiAi sa original plan na pag-uwi sa bansa for that. So, abangan na lang daw.

 

 

 

May payo naman ang manager na si ‘Nay Lolit Solis kay AiAi na ayon sa post nito sa Instagram, parang self-destructing daw ang ginawa ni AiAi dahil lang daw sa binayad dito.

 

 

 

Aniya, “Kahit binayaran ka para ikampanya ang isang kandidato, dapat maingat ka at tingnan mo ang magiging resulta nito ng pang mahabang panahon. Like in the case ni AiAi delas Alas, puwede niya ikampanya ang kandidato niya ng hindi magiging very personal ang atake sa kalaban.

 

 

“Parang self destructing na dahil lang sa binayad sa iyo, forever ng tatak ang kabastusan na ginawa mo. Naging persona non grata pa siya ng QC dahil pati ang seal ng lungsod hindi niya iginalang.

 

 

 

“Dapat isipin mo na meron after effect ang ginagawa mo na baka maging dahilan ng mas malaking damage para sa iyo. Magkano ba ang ibinayad, masyado bang malaki para talikuran mo na ang lahart lahat pati pakikisama? Sayang, lalo pa nga at sa ganitong panahon, mas marami kang friends, the better. Hay naku, isip isip kasi, gamitin ang utak.”

 

 

 

***

 

 

BUNTIS ang isang female actress.

 

 

Ang nakabuntis daw rito ay non-showbiz guy. May kilalang ka-loveteam ang female actress, pero mukha naman talagang walang namamagitan na ano mang romantic relationship sa kanila.

 

 

 

Hindi pa ito niri-reveal at iilan pa lang daw ang nakakaalam, pero sa ilang malalapit niyang kaibigan, si female actress daw mismo ang nagkukuwento ng kondisyon niya.

 

 

 

Timing din na ipinapareha na ang ka-loveteam niya sa ibang actress. Kaya naman pala, sa kondisyon na ito ni female actress, malabo na ngang ma-push pa loveteam nila.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • PUGANTENG SOUTH KOREAN, INARESTO SA PORNOGRAPIYA

    INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagpapakalat ng pornograpiya.     Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente si  Jung Yonggu, 38, ay naaresto sa Cebu City sa bisa ng  Warrant of Deportation na inisyu nitong October laban sa kanya […]

  • DOTr: Aviation officials, mananagot sa nangyaring kaguluhan sa NAIA

    NAGBABALA si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na mananagot ang sino man na mga aviation officials sa nangyaring air traffic management system breakdown na siyang naging sanhi nang paghinto ng operasyon ng mga airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang Bagong Taon.     “The DOTr will hold accountable each and […]

  • Dahil sa pinagsasabi niya habang nasa Kakampinks rally: MELAI, pinagbantaan kasama ang mga anak kaya umaapela na mahanap ang BBM supporter

    MAY bagong album si Ronnie Liang which he recorded para sa 125th Founding Anniversary ng Philippine Army.     has 12 songs at isa rito ay may titulong ‘Para sa Kapayapaan’ which has a matching music video.     Ang mga awitin na nakapaloob sa album were composed by the soldiers themselves.     The songs […]