Happy sa bagong ini-endorse dahil effective at mura pa: MARIAN, aminadong adik sa lotion at nilalagyan si DINGDONG ‘pag tulog na
- Published on July 1, 2023
- by @peoplesbalita
DAHIL sa tagumpay ng premium beauty and wellness brand na Beautéderm, ipinakilala sa media at merkado ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang bago niyang kompanya na BlancPro.
Bagong player sa beauty industry, ang BlancPro ay sub-brand/affiliate ng
Beautéderm at ito ay nag o-offer ng epektibong skincare products sa mababang halaga na mabibili ng masa.
Layunin nito na tulungan ang consumers namapanatili at ma-improve ang “glow” nila na mayroong tagline na “Glow Like A Pro.”
Naganap ang media launch noong June 29 sa Luxent Hotel sa Quezon City na sinuportahan ng showbiz media at bloggers.
“BlancPro is tailored to cater to consumers who seek effective yet budget-friendly skincare products. What sets BlancPro apart is its use of quality ingredients, carefully formulated to suit all skin types,” pahayag ni Anicoche-Tan.
Ipinaliwanag ng respetadong negosyante ang commitment ng BlancPro sa inclusivity, simplicity, at affordability. Dito sa bagong empire ni Tan, mayroong mga produkto na sasagot sa skin concerns ng consumers. Ilan sa mga produkto ay ang Milk Body Wash, Sakura Body Scrub, Charcoal Foam, Phyto-Emerald Moisturizing Soap, Sleeping Mask, at ang Jeju White Brightening and Moisturizing Lotion na ine-endorso ni Marian Rivera.
Totoong adbokasiya ni Ms. Rhea ang healthy skin, sinamahan pa ng kanyang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo sa mga tao. Sabi niya, dapat alagaan ang ating mga balat/skin katulad nang pag-aalaga ng endorser nitong si Marian sa kanyang sarili.
“Marian Rivera has been a dear friend for many years. As the official endorser of Beautéderm Home, her effectiveness in representing the brand has been undeniable, leading my team and me to select her as the face of BlancPro. Marian embodies grace, confidence, and beauty,” sabi sa statement ng BlancPro CEO.
Pagpapatuloy ni Anicoche-Tan, “I welcome Marian to BlancPro family. Like our tagline, she really glows like a pro—and glows from within. Through the years, subok ko nang isa siyang totoong kaibigang maaasahan.”
Sagot naman ng Primetime Queen ng GMA, “Ate Rei is an inspiration to everyone—especially to aspiring entrepreneurs. Hangang-hanga talaga ako sa kanya when it comes to business. She is the real deal. She knows what she’s doing and she really knows her consumers. I am forever grateful for her trust and for the trust of her new company. I believe in the products. At mahal na mahal ko si Ate Rei.”
Inamin ni Marian na adik talaga siya sa lotion, kaya mabilis siyang nakauubos nito. Kaya happy siya na sa BlancPro skin line ay ang Jeju White ang kanyang ini-endorse na talagang nagustuhan niya lalo na amoy nito at abot kaya pa.
Biro pa niya, kapag tulog na raw ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes ay nilalagyan niya ito ng lotion, para maging smooth din ang skin tulad niya.
Sinagot din ni Marian ang tanong na noong nag-uumpisa siya sa showbiz ay naisipan niyang magpa-enhance ng kanyang katawan. Wala raw siyang matandaan, dahil okay naman ang hitsura niya, na ang gusto lang noong una’y maging commercial model lang sa TV at print.
Kuwento pa niya, “hindi ko nga naisip na mag-aartista ako, pero sinuwerte lang o pinalad, kaya nagtuloy-tuloy ako bilang artista.
“So, from there, siyempre in-embrace ko na ‘yun, love ko pala na maging artista.”
Hinihikayat naman nina Rhea at Marian na suriing mabuti ang mga produkto na binibili sa merkado at tiyaking makakatulong ito sa kanilang skincare journey. Sa BlancPro, mura na, effective pa.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: Facebook: blancproofficial,
Tiktok: @blanc_pro, Shopee: Blancpro at Lazada: Blancpro
(ROHN ROMULO)
-
Mga Senador nais suspendihin ang implementasyon ng RFID system
Naghain ng isang resolution ang mga senador upang hikahatin ang Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang pagpapatupad ng radio frequency identification (RFID) cashless payment scheme sa mga expressways. Si Senator Grace Poe na siyang principal author ng nasabing Senate resolution 596 ang nagsabing mula sa 12 million na registered na mga sasakyan, 3 […]
-
CELINE DION DROPS LYRIC VIDEO OF “LOVE AGAIN” ORIGINAL THEME SONG
FALL in love with the brand new music from the one and only Celine Dion as she unveils the official lyric video for the original theme song of Love Again, the eagerly anticipated romantic comedy from Columbia Pictures. Check out the video below and watch the film soon in cinemas across the Philippines. […]
-
MAHIGIT 1 MILYON NAKIISA SA KAPISTAHAN NG NAZARENO
UMABOT sa mahigit isang milyong deboto ang nakiisa at nagtungo sa limang araw na aktibidad ng Quiapo church para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno. Sa inilabas na crowd estimate ng Quiapo Church Operation Center kung saan kabuuang 1,268,435 ang mga nagtungo para dumalo sa mga aktibidad. Sa Quiapo church […]