Hawaan ng COVID-19 sa Pinas bumilis
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
Pumalo sa 1.41 ang reproduction number ng COVID-19 sa bansa o ang bilis ng hawahan ng virus dulot ng mataas na banta ng Delta variant.
Ayon sa OCTA Research Group, nitong August 12, ang reproduction number ay pumalo sa 1.41 at umaabot naman sa 1.76 sa Metro Manila.
Noong August 10 ay 1.33 samantalang sa Metro Manila ay 1.79 o may bahagyang pagbaba sa kalakhang Maynila.
Sa QC ay nakapagtala ng bagong kaso ng virus na 467 mula August 5 hanggang 11, sinundan ito ng Maynila, 304 cases; Cebu City, 275; Makati, 195 at Davao City, 175.
Ang MM ay nasa ilalim ng ECQ mula August 6-20 at pinag-aaralan na ng Department of Health kung ie-extend.
Ang ibang lugar na nasa ECQ ay ang Laguna, Cagayan de Oro, at Iloilo City mula August 6-15; Bataan mula August 8-22 at Tuguegarao ay August 12-21.
-
BANGKAY NATAGPUAN SA NASUNOG NA VESSEL
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kung ang bangkay na natagpuan sa bisinidad ng pinangyarihan ng nasunog na cargo vessel ay kabilang sa mga naiulat na nawawalang tripulante sa Delpan Bridge sa Maynila. Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, hindi na makilala ang bangkay kaya naman nakipag-ugnayan pa ang coast […]
-
“Thank you for always being my rock’.. MARIAN, kinakiligan ang napaka-sweet na mensahe kay DINGDONG
MAY nakakikilig at napaka-sweet na mensahe si Marian Rivera sa kanyang asawang si Dingdong Dantes. Sa Instagram post si Marian, ibinahagi niya ng larawan nila ni Dingdong na kung saan nakayakap siya sa balikat ng asawa. Kuha ito sa Italy na kung saan rumampa ang mommy nina Zia at Sixto sa […]
-
‘Di big deal kay SHARON, nag-post pa sa IG niya: MARICEL, dapat irespeto sa ‘di pag-endorso kay Sen. KIKO bilang VP
PINAG-UUSAPAN pa rin hindi pag-endorso ng Diamond Star na si Maricel Soriano kay Senator Kiko Pangilinan na ka-tandem ni VP Leni Robredo Isa nga si Maricel sa big stars na dumalo si sa NCR grand rally nina VP Leni at Senator Kiko na ginanap sa Diokno Boulevard, Pasay City, noong Sabado, April 23, […]