• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Health Centers sa Maynila, bubuksan para sa bakunahan

Bubuksan  na rin at gagamitin ang mga barangay health centers sa Maynila para sa ‘vaccination drive’ upang mas maabot umano ang mga hindi pa nababakunahan na residente.

 

 

Ito ang inihayag ni Manila City Mayor Isko Moreno kahapon dahil sa ‘saturated’ na umano ang bakunahan sa Maynila at kakaunti na lamang ang hindi natuturukan.

 

 

“Kakaunti na lang ang ‘di nababakunahan. Si­mula bukas pati mga health centers natin bubuksan na para iyong hindi pa, malapit na sila sa kanilang bahay,” ayon sa alkalde.

 

 

Sa pinakahuling datos ng Manila Health Department niotng Agosto 26, nasa 1,226,974 indibiduwal sa 1,351,487 populasyon na tinukoy ng Department of Health, ang nabakunahan na.

 

 

Sa naturang bilang ng nabakunahan, nasa 766,418 ang ‘fully vaccinated’ na.  May kabuuang 1,954,585 doses ng bakuna naman ang naiturok na sa Maynila.

 

 

Samantala, naitala sa 71% ang occupancy rate ng COVID-19 beds sa anim na district hospital sa Maynila.  Pinakamataas dito ang Gat. Andres Bonifacio Hospital na may 104% occupancy rate, kasunod ang Ospital ng Sampaloc na may 98% at Ospital ng Tondo na may 83%.

 

 

Mababa naman ang occupancy rate ng mga COVID-19 quarantine faci­lities sa siyudad na naitala sa 21%.

Other News
  • Holyfield piniling patok si Pacquiao kay McGregor

    LIYAMADO para kay former undisputed cruiserweight at heavyweight world men’s boxing champion Evander Holyfield si eight division world boxing champion Emmanuel Pacquiao sakaling matuloy ang boxing match kay dating two-division Ultimate Fighting Champion (UFC) world titlist Conor Anthony McGregor sa Gitnang Silangan sa kasalukuyang taon.   Gayunman, klinaro nang 58-anyos na sa kasalukuyan, may  6-2 […]

  • Yulo at ibang mga atleta nakatanggap ng dagdag na insentibo

    NAKATANGGAP ng dagdag na insentibo si double gold Olympic medalist Carlos Yulo at mga atleta ng bansang sumabak noong Paris Olympics.     Nagbigay ng P10-milyon na cash ang grupong International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) dahil sa tagumpay niyia sa men’s artistic gymnastics.     Mayroon namang tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Aira Villegas […]

  • Kaya nahuhusgahan ng netizens: JULIANA, gumawa ng parody video na kinokontra ang naging pahayag ni ANGELICA

    MAY nakahalungkat ng Facebook post dati ng komedyante na si Juliana Parizcova Segovia na gumawa ng parody video ni Angelica Panganiban, with Darryl Yap as director.     Nahuhusgahan si Juliana ng mga netizens dahil sa parody video niya kunsaan, walang duda naman na kinokontra niya sa kanyang content ang mga naging pahayag ni Angelica […]