• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEALTH PROTOCOLS na MULA sa MEDICAL SOCIETIES, KAILANGAN IPATUPAD sa PUBLIC TRANSPORTATION

Inanunsyo ng DOH na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at ang medical societies para mapagusapan ang mga strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

 

 

Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga hereral ang napapakinggan kundi yung galing din sa medical experts.  Importante rin ang opinyon ng mga ekonomista para nang sa ganun ay makasulong ang ekonomiya habang pinangangalagaan ang kalusugan ng bawa isa.

 

 

Isang sektor na kailangan ang gabay ng medical experts ay ang public transportation. Mahalaga ang mobility ng tao sa ekonomiya pero dito rin mataas ang risk ng hawaan. Marami kasing polisiya sa transportasyon ang kwestyonable kung kailangan ba o hindi. Nais natin ng mga kasagutan ng mga medical experts sa mga sumusunod na tanong:

 

 

  1. Kailangan ba ang “barrier” sa pagitan ng rider at angkas nito. Ininsulto ng DILG Secretary na motorcycle experts lang ang nagsasabing delikado ito samantalang heneral sya. So tanungin natin ang mga doktor tungkol dito?

 

  1. Ligtas ba ang mga tradisyonal na jeepneys. Ano ang mas ligtas na sakyan, yung naka-aircon o open air tulad ng jeep?

 

  1. Ang 50 percent reduced capacity ba sa mga pampublikong sasakyan ay pwede naman na basta naka mask ang mga pasahero at walang overloading sa bawat byahe?

 

  1. Gaano kailangan o gaano ka kritikal ang cashless transaction sa pamasahe sa pampublikong sasakyan?

 

  1. Ang face shield ba ay kailangan pa maliban sa face mask para sa mga pasahero?

 

  1. May koneksyon ba sa pagpigil ng hawaan ng COVID-19 ang pagbago o pagputol ng mga ruta ng mga pampublikong sasakyan?

 

  1. Kung pinayagan na mag backriding sa private motorcycles ang mga nagtatrabaho at mga persons authorized outside their residence, pwede na rin ba ang backriding sa tricycles at motorcycle taxis.

 

  1. Ang paglalagay ba ng mga harang sa kalye ay kailangan?

 

 

Marahil ay marami pang nais itanong ang mga taga transport sector sa mga medical experts upang maliwanagan ang mga motorista at mga tao sa kalye at para naman maging angkop ang mga polisiya na ipinatutupad sa public transportation.

 

 

Sa ganitong paraan ay mas gagaan ang pagkilos at mas ligtas ang mga pasahero at mga drivers sa araw araw at mapagsisilbihan nila ng mas epektibo ang mga pasahero at ang publiko.

 

 

Mahirap ang mga ‘tsamba-tsamba’ at may ibang pakay maliban sa kaligtasan dahil napagsususpetsahan na ginagamit lamang ang pandemya upang magpatupad ng polisiyang wala namang koneksyon sa problema sa kalusugan. At kapag may sagot na ang mga medical experts sa mga tanong na ito, sana ay pakingan naman sila ng gobyerno. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • PBBM kay Vince Dizon: Gawing madali ang buhay ng mga mananakay

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang newly appointed na si Department of Transportation Secretary Vivencio ”Vince” Dizon na gawing madali ang buhay ng mga mananakay.   ”Welcome aboard, Secretary Vince Dizon! We’re set to enhance physical connectivity and make life easier for the commuting public. Let’s get it done!” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang […]

  • Lolo, kalaboso sa baril at bato sa Malabon

    BAGSAK sa kulungan ang 62-anyos na lolo nang mahuli sa akto na may bitbit na baril habang pagala-gala sa kanilang lugar at makuhanan pa ng droga sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan, itinawag ng kanyang mga kalugar sa Police Sub-Station 2 ng Malabon police ang pabalik-balik na […]

  • Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez, pinuri ng Malakanyang

    PINURI ng Malakanyang si Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez para sa pagbibigay kasiyahan sa mga mamamayang Filipino at karangalan sa bansa sa katatapos lamang na 70th Miss Universe competition sa Israel.   Isang miyembro ng armed forces, isang atleta at youth advocate, si Ms. Gomez ay maituturing na “inspiring figure” kung saan ang naging partisipasyon […]