• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEALTH PROTOCOLS na MULA sa MEDICAL SOCIETIES, KAILANGAN IPATUPAD sa PUBLIC TRANSPORTATION

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at ang medical societies para mapag-usapan ang mga strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19. Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga heneral ang napapakinggan kundi ‘yung galing din sa medical experts.

 

Importante rin ang opinyon ng mga ekonomista para nang sa ganoon ay makasulong ang ekonomiya habang pinangangalagaan ang kalusugan ng bawa isa. Isang sektor na kailangan ang gabay ng medical experts ay ang public transportation.

 

Mahalaga ang mobility ng tao sa ekonomiya pero dito rin mataas ang risk ng hawaan. Marami kasing polisiya sa transportasyon ang kwestyonable kung kailangan ba o hindi.

 

Nais natin ng mga kasagutan ng mga medical experts sa mga sumusunod na tanong:

  1. Kailangan ba ang “barrier” sa pagitan ng rider at angkas nito. Ininsulto ng DILG Secretary na motorcycle experts lang ang nagsasabing delikado ito samantalang heneral sya. So tanungin natin ang mga doktor tungkol dito?
  2. Ligtas ba ang mga tradisyonal na jeepneys. Ano ang mas ligtas na sakyan, yung naka-aircon o open air tulad ng jeep?
  3. Ang 50 percent reduced capacity ba sa mga pampublikong sasakyan ay pwede naman na basta naka mask ang mga pasahero at walang overloading sa bawat byahe?
  4. Gaano kailangan o gaano ka kritikal ang cashless transaction sa pamasahe sa pampublikong sasakyan?
  5. Ang face shield ba ay kailangan pa maliban sa face mask para sa mga pasahero?
  6. May koneksyon ba sa pagpigil ng hawaan ng COVID-19 ang pagbago o pagputol ng mga ruta ng mga pampublikong sasakyan?
  7. Kung pinayagan na mag backriding sa private motorcycles ang mga nagtatrabaho at mga persons authorized outside their residence, pwede na rin ba ang backriding sa tricycles at motorcycle taxis.
  8. Ang paglalagay ba ng mga harang sa kalye ay kailangan?

 

Marahil ay marami pang nais itanong ang mga taga transport sector sa mga medical experts upang maliwanagan ang mga motorista at mga tao sa kalye at para naman maging angkop ang mga polisiya na ipinatutupad sa public transportation.

 

Sa ganitong paraan ay mas gagaan ang pagkilos at mas ligtas ang mga pasahero at mga drivers sa araw araw at mapagsisilbihan nila ng mas epektibo ang mga pasahero at ang publiko.

 

Mahirap ang mga ‘tsamba-tsamba’ at may ibang pakay maliban sa kaligtasan dahil napagsususpetsahan na ginagamit lamang ang pandemya upang magpatupad ng polisiyang wala namang koneksyon sa problema sa kalusugan. At kapag may sagot na ang mga medical experts sa mga tanong na ito, sana ay pakinggan naman sila ng gobyerno. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • May Pinoy na sa 11th World Cup sa Belarus sa Agosto 1

    TUTUKLASIN ng National Chess Federation of the Philippines  (NCFP) ang magiging pambato para sa $1,892,500 (P94M) 11th International Chess Federation (FIDE) World Cup 2021 sa Minsk, Belarus sa Agosto 1-28.   Kaugnay ito sa nakatakdang pagsasagawa ng pederasyon ng National Chess Championship sa mga papasok na buwan o bagong mag-deadline sa pagsusumite ng pangalan sa […]

  • Jordan Peele Reinvents the Sci-Fi Horror Genre in ‘Nope’

    FILMMAKER Jordan Peele, also known for Get Out and Us that disrupted and redefined the horror genre, reinvents the sci-fi horror genre this time in his latest film Nope.   Shot with large-format and IMAX cameras, Peele, along with the film’s director of photography Hoyte Van Hoytema (whose work includes Christopher Nolan’s Dunkirk and Tenet) […]

  • Silent protest ikinasa ng San Lazaro medical frontliners

    Nagsagawa ng silent protest ang San Lazaro Hospital noong Huwebes, July 16 sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa pamamagitan ng paglalatag ng kanilang mga sapatos sa harapan ng ospital.   Sa ulat, humihingi ang frontliners ng sapat na suplay ng personal protective equipment (PPEs) at kanilang mga sweldo habang sila ay naka-mandatory […]