• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEALTH WORKER, RIDER, NABANGGA, KRITIKAL

KRITIKAL ang isang health care worker at rider nito matapos mabangga ng isang tractor head sa San Andres Bukid, Maynila.

 

 

 

Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, kinilala ang magka-angkas na biktima na sina Francisco Curay Lacanilao, 50 at Virginia Sanchez Lacanilao, 54, health worker at taga  Sitio Butas Bagumbayan, Caloocan City.

 

 

 

Hawak naman ng pulisya ang driver ng tractor head na si  Danny Pueyo Cabilitasan, 43, ng 115 Northbay Boulevard, Navotas City .

 

 

 

Minamaneho umano nito ang trak na may plakang NUY 936 nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Osmena Hi-way malapit sa kanto ng  Pres. Quirino  Avenue habang sakay naman ng Honda Click ang mga biktima.

 

 

 

Kapwa umano binabagtas ng rider at trak ang Northbound lane ng Osmena  Hi-way nang pagsapit sa  bahagi ng nasabing lugar nang iwasan ng rider ang plastic barrier.

 

 

 

Dito na aksidenteng dumulas ang minamanehong motorsiklo sa kalsada dahilan naman para makaladkad ng kanang bahagi ng gulong ng  container tractor head .

 

 

 

Agad naman dinala sa Philippine General Hospital o PGH ang mga biktima habang  inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting  in damage to property with serious  physical injuries. (GENE ADSUARA) 

Other News
  • 117K doses ng Pfizer vaccines, hindi pa tiyak ayon sa DOH

    Nilinaw ng Department of Health (DOH) na “indicative” o hindi pa tiyak ang pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas sa susunod na linggo.     Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng mga ulat na baka sa February 15 o sa susunod na lunes na dumating ang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines […]

  • DOTr may plano na kumuha ng solicited proposals ng NAIA rehab

    MAY PLANO ang Department of Transportation (DOTr) na isulong ang kanilang plano na kumuha ng mga solicited proposals para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International  Airport (NAIA).     Inaasahan ng DOTr na makapagbibigay ng rekomendasyon ang Asian Development Bank (ADB) para sa rehabilitation ng NAIA ngayon darating na June.     Ang nasabing rekomendasyon […]

  • Pagdami ng fake FB accounts, ‘very unusual’: NPC chief

    Sinabi ng National Privacy Commission (NPC) na mapanganib ang umano’y proliferation ng mga pekeng Facebook account lalo pa at ginagamit ito ng walang awtorisasyon.   Sa panayam, sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro na “very unusual” ang nangyaring ito.   “Sa karanasan ng NPC, unusual ‘to. ‘Yung mga impostor account, dummy account, ‘yan ay bahagi […]