Health workers nanlulumo na sa pagdami ng COVID-19 cases
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
Nanlulumo na umano ang ilang healthcare workers, dahil imbis na bumuti, mas malala pa anila ngayon ang sitwasyon dahil lalo pa ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
“Nakakawala ng pag-asa, wala nang gana. Marami nang nag-abroad, hindi naman natin sila masisisi kasi even throughout the year marami kaming calls, pero parang wala namang natugunan ‘yung government and ito na naman, boom, mas mataas pa ‘yung bilang kaysa sa mga nauna,” ani Jaymee De Guzman ng Filipino Nurses United.
Ramdam na aniya nila ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit at dumaraming dinadala ngayon sa mga ospital.
“We feel it in the hospital kasi talagang punung-puno na kami, pati mga empleyado nag-positive. Ironic pa, after pa nung nabakunahan saka pa dumami ‘yung positive patients,” ani De Guzman.
Sa kasagsagan ng pagdami ng COVID-19 cases noong Agosto 2020 ay nanawagan ang mga health workers ng timeout at isailalim ang Kamaynilaan sa mas istriktong community quarantine.
Pero para kay De Guzman, hindi ngayon ang panahon para humingi ng timeout lalo’t mas kailangan sila ngayon ng bayan dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.
Panawagan lang ng FNU na tapatan ng gobyerno ang serbisyong ibinibigay nila.
-
Pagkakaisa, pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko
Sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para mapaunlad ang bansa ang pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko. Ani Marcos, ang pinakahuling pagbisita niya sa Cebu kamakailan, kasama ang running mate na si vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte kung saan ay mainit silang sinalubong ng libu-libong supporters […]
-
Administrasyon ni PBBM, humirit ng P31-B calamity fund para sa susunod na taon
HUMIRIT ang administrasyong Marcos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng P31 billion calamity fund para sa taong 2024. Nais kasi ng gobyerno na mas maraming pondo ang maipamahagi sa panahon ng kalamidad. Kilala rin bilang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF), ang panukalang calamity fund ay mas mataas ng […]
-
Baril, bala, granada nasabat ng CIDG sa apartment ng naarestong drug suspect
NAKAKUMPISKA pa ang pulisya ng baril, bala at granada sa inuupahang apartment ng isa sa dalawang lalaking unang nahuli sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at pag-iingat nang mahigit P1 milyong halaga ng shabu at marijuana, Martes ng hapon sa Caloocan City. Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Jynleo Bautista, […]